SNOW POINT OF VIEW Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nang makita ko siyang lumabas sa resort kanina, dala ang teleponong nakasiksik sa tainga, may kung anong kumislot sa dibdib ko. Hindi ko naman siya susundan. Hindi ko naman balak lumapit. Pero eto ako ngayon… tahimik na naglalakad papunta sa direksyong tinahak niya—sa tabing dagat kung saan kita ko mula sa malayo ang pamilyar niyang likod, nakaupo sa buhangin na tila may mabigat na iniisip. Ang lalaking dapat kong kalimutan. Ang lalaking dapat kong patayin noon pa. Pero bakit mas pinipili kong lapitan siya sa bawat pagkakataong lumalayo siya? Huminga ako nang malalim, pinigilan ang kaba sa dibdib. Nang naramdaman niyang may tao sa likod niya, bahagya siyang napalingon. Nagtagpo ang mga mata namin, at sa ilang segundo, tila tumig

