Chapter 21

1807 Words
Chapter 21 "It was nothing...." He seriously said. Her jaws dropped! Sandali lang ha. Nabingi yata siya. Tama ba ang rinig niya sa sinabi ng lalake nasa harapan ngayon? It was nothing... It was nothing?! Her lips parted a bit. Bigla hindi siya makahagilap ng salita. Pakiramdam niya literal niyang narinig na nabasag ang puso niya. Humigpit ang hawak niya sa kubyertos. Tumikhim si Monica parang may bumikig sa lalamunan niya. "Okay Sir." Simpleng sagot niya sa lalake. "Are you alright Monica?" He asked in his deep manly voice. Tumango siya sa lalake at pilit tumayo ng tuwid. "I’m perfectly fine Sir. May kailangan pa po ba kayo Sir? Lalabas na po ako." "Where are you going? You don't want to eat here with me?" His perfect eyebrows raised. Yes! Ayaw kong makaharap ka habang kumakain baka hindi ako matunawan! Ang kapal ng mukha ng lalakeng ito nakuha pa siya ayain na kumain kasabay ito. Bulyaw ni Monica sa isipan. "No Sir. May importante lang po akong lakad ngayon." Tumalikod na siya at walang lingon likod lumabas ng opisina nito. Parang sasabog ang puso ni Monica. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Hindi niya namalayan na may tumulong luha mula sa kaniyang kaliwang mata. Marahas niya itong pinunasan. Pumasok siya sa loob ng banyo at sumandal sa tiled bathroom wall. Nakaramdam ng bahagyang hapdi si Monica sa dibdib. Gusto niya matawa dahil sa naging assuming siya sa pag-aakalang may gusto sa kaniya ang boss niya. Ngunit gusto niya rin kastiguhin ang sarili bakit nagkagusto siya sa lalakeng iyon?! "Insensitive Jerk! bwisit siya! It was nothing? Gago siya! It was nothing niya ang pagmumukha niya!" Pagmamaktol ni Monica "It was nothing daw? Yes maybe for him. It was all nothing! But for me?!" Impit siyang tumili. Kung mayroon tinatawag na 'Friendzone' eh sa kaniya, ano ang puwede na itawag sa katangahan niya? 'kissedzone'? Damn him! That's been her first kiss for God's sake! Tuluyan na napaiyak si Monica. She just wasted her first kiss just like that! Nilabas niya ang phone at nagpadala ng text message sa kaniyang best friend. Hindi niya kaya humarap sa kaibigan baka lalo lang siya maiyak. Hindi muna siya makikipagkita kay Sena ngayon tanghali. Humarap siya salamin. Sumisinghot singhot si Monica. Inayos ang sarili. nag-retouch ng manipis na make-up at huminga ng malalim. Hindi! Hindi siya papatalo. Hindi siya magpapadala sa kaniyang emosyon. ~~~ Buong araw na parang robot si Monica. Hindi maganda ang mood niya. Kapag sa tuwing pumapasok siya sa loob ng opisina ng kaniyang boss ay hindi niya ito tinitignan. Hindi rin siya ngumingiti sa boss niya. Sa sobrang inis pa ni Monica ay hindi niya ito ipinagtimpla ng kape! Naiinis siya dahil pakiramdam niya ay hindi niya magawa ng maayos ang trabaho niya. Hindi dapat ganito! She also knew that she must not cross the line of their employer- employee relationship. Hindi niya dapat haluan ng kalokohan ang trabaho. She needs to focus full attention on her work. Bitbit ni Monica ang report na siya mismo ang nagsadya sa Finance department, nang mapansin na may umpukan ang mga empleyado ng HR department sa tapat ng Bulletin board. Lumapit si Monica at bahagya nakinig sa usapan ng mga ito. "Ang ganda! Bagay sila hindi ba"? Wika ng isang empleyada. Sino ang pinag-uusapan ng mga ito? Sinilip niya ang nakadikit sa Bulletin board. Ganoon na lang ang panlalamig niya dahil sa nakita. Si Sir Jack may akay na isang maganda at sexy na babae pasakay sa loob ng kotse nito. Nanikip na naman ang dibdib niya. Tinitigan niya ang picture at napansin ni Monica ang suot ni Sir Jack sa litrato. Iyon ang suot nito noong gabing hinalikan siya! Ang walang hiya! Kuha ang picture na iyon noong gabing pagkatapos nito halikan siya ng mariin at kagat kagatin ang kaniyang labi ay mayroon pala itong kikitain na ibang babae! Bwisit na lalakeng iyon! Nagtatagis ang bagang ni Monica dahil sa nakitang litrato. Parang gusto niya iyon punitin at silaban. "Girlfriend yata ito ni Sir Jack ang close nila eh." wika ng isang empleyada na nasa tabi niya. "Monica nandyan ka pala! Secretary ka ni Sir Jack hindi mo ba kilala kung sino ang babaeng kasama ng boss natin"? Tanong sa kaniya ni Rizza. Umiling lang siya kay Rizza at tumalikod.Wala siya sa kondisyon makipag-usap sa mga katrabaho. Lalo siya nainis dahil sa mga litrato na nakita. Nagmadali na siya sumakay sa employees elevator paakyat sa Administrative office. Malapit na siya mag-out. Wala na rin importanteng appointment si Sir Jack ngayon gabi. Napasulyap siya sa folder na nasa ibabaw ng working table niya. Bukas niya aasikasuhin itong monthly report ng finance department. ~~~ Paglabas niya mula sa employees elevator ay saktong tumunog ang cellphone niya sa loob ng shoulder bag. Si Sena! "Hello bes? Hintayin kita sa labas." Sagot ni Monica sa kabilang linya. Nasa HR department raw si Sena at may importanteng bagay na aasikasuhin. Sa labas na lang ito hihintayin ni Monica. Malapit na siya sa employees exit ng hotel nang may tumawag sa pangalan niya. Lumingon siya at ganoon na lang ang gulat niya sa nakitang lalakeng malawak na nakangiti sa kaniya. "Jonas!" Prenteng nakaupo ang lalake sa malaking sofa sa lobby ng hotel. May mangilan ngilan na guest sa lobby na tumatambay at nagpapahinga. "Anong ginagawa mo rito Jonas?" Ngiti niya pabalik sa lalake. Gumaan ang pakiramdam ni Monica dahil sa ngiti ni Jonas. The warmth of Jonas' smile caused something else in Monica’s heart. Nakakagaan ng pakiramdam at nakakahawa ang kasiyahan ni Jonas. "Hinihintay ko kayo ni Sena. Tinawagan ko na siya at sabi ko maghihintay ako sa inyo sa lobby." May kislap at ngiti sa mukha ni Jonas habang nakatunghay ito sa kaniya. "Sige hintayin natin si Sena. Anong mayroon Jonas?" Tanong niya rito. Napahawak naman ito sa batok at ngumisi. "Ah wala lang. Gusto ko lang kayo yayain ni Sena para mag-dinner. Is it okay with you Monica?" Nahihiyang tanong nito. Natawa si Monica sa facial expression ni Jonas. Para itong isang bata na mahiyain. "Oo naman. Walang problema sa akin." Naglakad silang dalawa ni Jonas palabas ng hotel. Nagpasya silang sa labas na lamang hintayin si Sena. "Can I carry your handbag?" Sulyap ni Jonas sa handbag na bitbit ni Monica. "You know. I'm just trying to be a gentleman here." Alangan itong tumawa at napahawak sa batok at bahagya pa namumula mga tainga nito. Malakas na tumawa si Monica at ibinigay rito ang handbag niya. "You don't have to pretend to be a gentleman anyway because you are a real gentleman Jonas." Napangiti naman si Jonas sa sinabi niya. "Dahil diyan sa sinabi mo ililibre ko kayo ngayon ng dinner." Nagtawanan silang dalawa ni Jonas. May sasabihin pa sana ito sa kaniya ngunit napaigtad si Monica dahil sa isang malakas na tikhim. It was from Sir Jack. He was there, standing like a king as he gazes them. Madilim ang aura at nagtatagis ang mga bagang na nakatunghay sa kanila. Napasulyap rin si sir Jack sa handbag niya na ngayon ay bitbit ni Jonas. Nagtagisan ng tingin ang dalawang lalake. Lumingon si Sir Jack sa direksiyon niya. Nasalubong ni Monica ang malamig na tingin nito. "Enjoyed flirting here in front of my hotel Miss Azucena? Get a room instead. That’s more enjoyable." He maliciously said. Napasinghap si Monica dahil sa sinabi ng kaniyang boss. Nanlamig ang buong katawan niya dahil sa pagkapahiya. Uminit ang sulok ng kaniyang mga mata at pakiramdam niya ay maiiyak siya anumang sandali. She was speechless and the pain in her heart grew. Hindi inaasahan ni Monica ang sumunod na pangyayari nagulat siya ng marahas na nagmura si Jonas. "Don't talk to her like that asshole! Monica is not that kind of woman! Damn you!" Galit na galit na sigaw ni Jonas at akmang susugurin nito ang boss niya. Ngunit bago makalapit si Jonas ay naharangan na ito ni Sir James at pinigilan. "I'm sorry about that dude." Hinging paumanhin ni Sir James kay Jonas. "What the f**k is your problem cous?" Singhal naman nito sa pinsan. Kasama pala ng kaniyang boss si Sir James at kuya Joel. Si kuya Joel ay namumutla sa gilid ni Sir Jack. Ang boss niyang walang hiya ay hindi man lang natinag sa kinatatayuan. Nakatitig lang sa kaniya ang matalim nitong mga mata. Hindi na napigilan ni Monica na tumulo ang luha na kanina pa nagbabadya. Nasaktan siya sa akusa ng lalake. Napakababa ng tingin nito sa kaniya. Tila naman natauhan si Sir Jack sa nakitang luha ni Monica. His jaw clenched and then she saw an emotion in his eyes. Was it guilt? No! An insensitive man like him doesn't feel any guilt. Umiwas ito ng tingin, tumalikod at nagpatiuna sumakay sa kotse nito. Sumunod naman doon si Kuya Joel na walang imik at malungkot na ngumiti kay Monica. "I'm so sorry about that Monica." Sir James apologized to her while shaking his head like he was disappointed. "Damn him! He had no right to say that to Monica!" Jonas teeth gritting. "I have to go Monica. On behalf of my cousin, I'm so sorry. See you around." Sir James heaved out a sigh and walk towards his car. Lumingon sa kaniya si Jonas. Malamlam ang mga nito. "Are you okay?" "Okay lang ako Jonas. Salamat." She managed to say while holding back her tears. Mula naman sa employees entrance ay namataan niya si Sena. Kumaway ito sa kanila at nagmadali sa paglapit. "Bes pasensya na ngayon lang ako. Galing pa kasi ako sa HR department." Napahinto sa paglakad ang best friend at tinitigan siya. "Umiyak ka ba?" Tanong nito sa kaniya. Napansin siguro ni Sena na bahagyang namumula ang kaniyang ilong at mata. Marahas na lumingon ito sa kababata at walang pakundangan na sinapak sa dibdib si Jonas. "Bakit mo pinaiyak ang best friend ko Jonas?!" Bulyaw ni Sena. Nagulat naman si Jonas at napahawak lang sa dibdib na nasaktan. "Aray ko naman Sena! Hindi ako ang nagpaiyak sa best friend mo!" Bulyaw rin nito kay Sena. Napakamot na lang sa ulo si Monica. Hindi niya maiwasan matawa sa dalawang ito na parang aso at pusa kung magbangayan. "Bes sino nagpaiyak sa iyo?" Lumapit ito at hinawakan ang braso niya. "Ang boss ninyong gago!" Singit ni Jonas. Namilog naman ang mga mata ni Sena. "Si Sir Jack my loves?" "What the...?! Anong my loves ang sinasabi mo diyan Sena? May gusto ka doon sa boss niyong bastos?" Salubong ang kilay at nagtatagis ang mga bagang na tanong ni Jonas. Hindi naman ito pinansin ni Sena at inakay na lang sa paglalakad si Monica. "Sabihin mo na lang sa akin ang lahat kapag okay ka na bes ha?" Tumango naman si Monica sa matalik na kaibigan. She was grateful because she has friends that willing to defend her. To help and comfort her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD