Chapter 9

1297 Words
Chapter 9 Humahangos na tumatakbo si Monica patungo sa Employees entrance ng hotel. Late na siya sa trabaho dahil sa puyat kagabi. Madaling araw na siya nakatulog dahil tinapos niya pa ang report na kailangan niya maibigay kay Mrs. Yson. Nagising siya sa ingay ng alarm clock na nasa bedside table niya. Ngunit sa sobrang antok parin ay hindi siya kaagad nakabangon at nakatulog ulit sa loob ng isang oras. Kinatok nang kinatok siya ng kaniyang ina hanggang sa magising siya at napabalikwas nang bangon. Late na raw siya sa trabaho. Nang marinig ang salitang “Trabaho” ay tuluyan na nagising ang diwa at tumakbo patungo sa sarili niyang banyo. Mabilisan na paligo at bihis ang ginawa niya. Para siyang trumpo sa bilis ng bawat kilos. Nanonood lamang sa kaniya ang ama habang umiinom ito nang kape. Ang kapatid niya naman ay kumakain nang agahan. Mabilis din siya nagpaalam sa mga ito para pumasok na sa trabaho. Sinusuklay-suklay na lang ng mga daliri ang buhok niyang namamasa pa. Ni kahit pag-blower at suklay sa buhok hindi niya na nagawa. Pagkarating niya sa locker room ay nagpalit agad siya ng uniform. Late siya ng tatlong minuto. Napahawak si Monica sa sentido ng bahagya maramdaman na kumirot iyon. “Bes! Kanina pa kita hinihintay!” Tili ng kaibigan niya. Lalo yata sumakit ang ulo niya dahil sa boses nito. Nakangiwi niya itong nilingon. “Sena, huwag ngayon masakit ang ulo ko. Kulang ako sa tulog at late na nga ako nakapag-in.” Bungad niya agad sa kaibigan. “Ay bakit bes? Pinuyat ka ba ni Sir Jack? Pinagod ka ba niya?” Hagikhik nang bruha. Sinamaan niya ito ng tingin. Ngunit tumawa lang ang kaibigan. “Malisyosa ka talaga Sena. Malapit na talaga kitang kalbohin. Pupunta muna ako sa office ni Mrs. Yson”. Paalam niya sa kaibigan. “Bakit ka pupunta sa Admin? Gusto mo samahan kita? Na-miss mo ba agad si ‘Ano’?” Bungisngis nito na lalo yata ikinasakit ng ulo niya. Alam niya kung sino ang tinutukoy nito. Itinaas na lamang niya ang Folder na hawak para ipaalam dito na ito ang sadya niya. She knocked three times on the double door before entering the office of Administrator. Ang malawak na opisina ang bumungad sa kaniya at ang bawat lamesa doon ay mayroong mga sariling cubicle. Inilibot niya ang paningin at nahagilap nang mata niya sa kabilang panig ang nag-iisang malaki at malawak na cubicle ang puwesto ni Mrs. Yson nakayuko at may ginagawa sa working table nito. Lumapit siya sa may edad na babae. “Good morning Mrs. Yson, Kamusta po kayo?” Matamis na ngiti at magalang na bati niya rito. Nag-angat nang ulo ang Ginang at lumiwanag ang mukha nito na makita siya. “Monica! Susmaryosep na bata ito. Ngayon lang ulit kita nakita.” Masayang bulalas nito. “Naging busy po lang po doon sa ibaba.” Tukoy niya sa mga rooms na nililinisan. Ngumiti siya sa Ginang. Mabait sa kaniya si Mrs. Yson dahil noon ay madalas na siya ang naglilinis dito sa administrative office. Madalas niya itong makausap at napalagayan na rin ng loob. “Bakit ka nga pala naparito iha? Anong mayroon?” Pagtatanong nito. Iniabot niya sa Ginang ang Folder na hawak. “Report po iyan na ginawa ko tungkol po sa meeting. Kasama po ako sa Dinner meeting ng Rosales furniture last night.” Paliwanag niya sa Ginang. Binuklat nito ang folder na hawak at pinasadahan ng tingin ang laman niyon. Kumunot ang noo ni Mrs. Yson habang binabasa ang report ni Monica. Wala naman yata mali sa report niya hindi ba? “Did you write this report Iha?” Tanong nito habang binabasa parin ang report na isinulat niya. “Yes Mrs. Yson is there anything wrong? Ahmm. I will just write again if there is something that needs to be repeated.” Maingat na saad ni Monica sa kaharap. “No, nothing should be repeated here iha nagulat lang ako. In, fact you did well with this report Monica. Siguradong papasa ka bilang personal secretary sa lagay na ito iha.” Mrs. Yson said with visible amusement written in her eyes. “Salamat po Mrs. Yson.” Nakakataba naman ng puso ang pagpupuri sa kaniya ng Ginang. Magsasalita pa sana si Mrs. Yson ngunit biglang may pumasok na isa sa mga empleyado at sinabi nitong patungo umano doon sa loob si Sir Jack. Parang tinubuan ng nerbiyos ang dibdib ni Monica at kumabog iyon nang malakas dahil sa narinig. Nagkabuhol-buhol ang salita sa isipan ni Monica at hindi alam ang gagawin. Nagpalinga linga siya kung saan siya maaaring magtago. Hindi siya puwede makita ni Sir Jack! Nakakahiya ang ginawa niyang pagtawag kagabi sa Hotel upang alamin kung nakauwi nga ba ito nang ligtas! Hindi na nagdalawang isip pa si Monica at sumuhot na sa ilalim ng working table ni Mrs. Yson. Nagulat at nanlaki naman ang mata ng Ginang sa inakto ni Monica. Sinenyasan niya ang Ginang na ‘huwag maingay’ at nakikiusap ang mga mata ni Monica habang nakatingala dito. “Mrs. Yson can I ask for a copy of the Rosales furniture contract?” Napaigtad si Monica sa malalim at paos na boses ng boss nila. Pumikit siya at nanalangin na lamang na sana huwag siya ibuking ni Mrs. Yson. “A-ah yes of course Sir Jack.” Tumikhim pa ang Ginang na wari'y natulala sa mga ikinilos ni Monica. “Oh! Before I forgot, This was the written report on your dinner meeting last night with Rosales Furniture.” Ilang sandali natahimik ang paligid at nakikiramdam lamang si Monica. Ni sumilip hindi niya ginawa natatakot siya baka masalubong niya ang malalim na titig ng boss nila. “Who gave this to you?” Sa wakas ay imik ni sir Jack. Tumikhim ulit si Mrs. Yson at napapalingon sa ilalim ng lamesa. “Ms. Monica Azucena”. Banggit ng Ginang sa pangalan niya. “Where is she then?” Nahigit ni Monica ang hininga nang marinig ang mahinang usal ni Sir Jack. Pakiramdam niya parang may kakaiba sa paraan ng pagtatanong nito. O baka napapraning na siya at nahawa na sa kabaliwan ni Sena? Napatakip sa mga tainga si Monica dahil sa kaba at baka ibuking siya ni Mrs. Yson kung nasaan siya nagtatago na animo’y daga. “S-she left a while ago”. Mrs. Yson stuttered. Monica closed her eyes firmly and heaved out a sigh. She heard a heavy footsteps moving away from the working table of Mrs. Yson. Dumilat si Monica at tinanggal ang mga palad na nakatakip sa mga tenga nang maramdaman na may kumalabit sa balikat niya. Paglingon niya ay si Mrs. Yson na may mapaglarong ngiti sa mga labi. Lumabas siya sa pinagtataguan at inayos ang uniform na nagusot. Lumingon siya sa matanda nang marinig ang mahinhin nitong tawa. Namula yata ang buong mukha niya dahil sa hiya. “So, care to tell me what’s happening between the two of you ahmm”? The old lady raised her eyebrow as she looked straight at her. She still has an enjoyment curve smile on her lips. Walang nagawa si Monica kundi ikwento ang naganap kagabi. Mula sa byahe na nasiraan sila ng kotse at hanggang sa paghatid ni Sir Jack sa sarili niyang bahay at sa pagtawag niya sa landline ng Hotel. Nagulat si Monica ng biglang tumawa ng malakas si Mrs. Yson nagpalinga linga siya sa paligid pasalamat siya dahil kaunti lamang ang mga employees sa Administrative office. Napayuko siya dahil sa kahihiyan na ginawa. Kailan kaya matatapos ang mga katangahan niya? “That’s so sweet of you Iha.”Amused na sabi ng ginang sa kaniya. Makalipas ang ilang sandali ay nagtawanan na lang silang dalawa ni Mrs. Yson .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD