Chapter 8
“SALAMAT po sa paghatid Sir Jack. Ingat po kayo pagbalik sa Hotel.” Ngumiti pa siya dito.
Nagpapasalamat talaga siya sa boss niya dahil hinatid siya nito at nag-aalala sa kaniya. Mabait pala ang boss nila. Nasabi na lang niya sa isip.
Hindi na ito bumaba ng kotse nito ngunit nakatingala naman ito sa bahay nilang patay na lahat ng ilaw at tahimik na ang buong paligid.
“How can you get inside of your house? It seems your parents are already asleep.” Marahan na tanong at namumungay pa mga mata nito. Halatang inaantok na ito.
“I have a duplicate key with me Sir. Ingat po kayo. Salamat po ulit.” Kaway ni Monica sa boss niya. Tumango naman ang huli.
Pumihit na patalikod si Monica at lumapit sa gate nila para buksan. Lumingon siya sa kalsada at nakita na nandoon parin ang kotse ni Sir Jack. Nagkibit balikat na lang siya at tuluyan na pumasok sa loob ng bahay.
~~~
Hinubad ni Monica ang lahat ng suot na damit at pumasok sa loob ng banyo. Hinihilot hilot niya pa ang mga binti na masakit dahil sa heels na suot kanina.
Ngayon naramdaman ni Monica ang pagod at antok. Pakiramdam niya hinihila ng kama ang katawan at gusto ng mahiga.
Pumasok sa isip niya si Sir Jack. Nakarating na kaya ito sa Hotel? Nagpapahinga na kaya ito ngayon? Binilisan niya ang paglilinis sa katawan at nagbihis na ng pantulog na damit.
While lying in her bed Monica had many realizations that night. Their boss was hiding his kindness or should she say her boss didn’t know he had that generosity.
He was not really that cold, arrogant and doesn’t care about others. Perhaps they just misinterpret about him of being doesn’t speak often. As they say Man in a few words. He’s that kind of guy.
Ngunit isa lamang ang kulang sa boss nila. Ang ngumiti o tumawa. I have never seen him smiling. Mukhang madamot sa ngiti ang lalakeng iyon.
She looked at the wall clock hanging in her room. Ten minutes before twelve in the midnight. She needs to wake up early for tomorrow because she still has a duty to do.
Nakarating na kaya si Sir Jack sa Hotel nito? Paano kung hindi? Paano kung habang nasa daan ito ay nasiraan na naman ng kotse? Or worst baka naaksidente at bumangga ang sinasakyan nito dahil sa pagod at antok?
Napabalikwas siya nang bangon paupo sa kama dahil sa mga tumatakbong senaryo sa isip niya! Diyos ko! Huwag naman po! Mahinang usal niya.
Tumayo si Monica at hinagilap ang kaniyang cellphone. Hinanap sa contacts ang landline telephone number ng Ricafort Hotel main office at tinawagan ito. Kailangan niyang makasiguro kung talaga bang nakarating ang boss niya sa Hotel nito.
Kumakabog ang dibdib niya habang naghihintay na may sumagot sa kabilang linya.
“Good evening. Ricafort Hotel at your service. How can I help you?” Monica heard a woman's soft voice on the other line.
“Good evening. I just want to ask if Jack Ricafort is already there at the Hotel?” kinakabahang kausap ni Monica sa kabilang linya. Tumikhim pa siya parang may bumara sa lalamunan niya na hindi mawari.
Natahimik sandali ang nasa kabilang linya. “May I know who is this speaking Ma’am?. Maingat na tanong nito. “For security purposes, only Ma’am. Sir Jack is our president. We are being careful to provide information from his whereabouts.”
Napakagat labi si Monica hindi niya alam ang isasagot sa kausap. Hindi niya ibibigay ang pangalan niya dito. Paano kung malaman ng mga ito na empleyado siya ng Hotel. Baka mapagkamalan pa siyang stalker or kidnappers.
“He knew my name and we were together a couple of hours ago. I just want to know if he was already getting there safely?” pamimilit niya sa kausap. Bahala na. Basta aalamin talaga niya kung nakarating nga ba ng ligtas ang boss niya sa suite nito.
Magsasalita pa sana ang kausap sa kabilang linya nang maulinigan niyang may kausap ito. May mga kaluskos siyang naririnig at may mahihinang boses.
“Monica. Is that you?” Nabitawan ni Monica ang cellphone nang may magsalita sa kabilang linya. Nanlamig siya at pinagpawisan ng malapot.
It was a deep and hoarse voice from him. No, other than. Sir Jack. Her boss!
Dali-dali niya pinulot ang cellphone na bumagsak at itinapat ulit sa tainga.
“Monica? I know that's you. Go to sleep now and rest. I got here safely.” Boses ulit ni sir Jack ang narinig niya sa kabilang linya.
Nanginginig ang mga kamay na pinatay ni Monica ang tawag at impit na tumili at gumulong gulong sa kama. Hindi pa siya nakontento dinampot pa niya ang unan at hinampas hampas sa ulo! Nakakahiya ang ginawa niya! Baka isipin ni Sir Jack na sobra siyang nag-aalala. Ugh! Nakakahiya ka Monica! Sabunot niya sa mahabang buhok.
Wala na siyang maihaharap na mukha bukas sa boss niya. Pero hiling niya na huwag sana mag-krus ang landas nila ni Sir Jack sa trabaho.
Napatingin siya sa cellphone na hawak. Naalala niya ang ginawang pag record sa meeting kanina. Napa-face palm siya nang maalala na kailangan niya pala gumawa ng report tungkol doon at ipapasa niya bukas kay Mrs. Alma Yson. Mabuti na lang naalala niya kung hindi lagot siya bukas sa Head Supervisor nila.
Binuksan ni Monica ang laptop at inumpisahan na gumawa ng report. Di bale ng mapuyat siya ngayon basta magawa niya lang ang mga dapat gawin. Mas lalong hindi siya puwede lumiban bukas sa trabaho siguradong hahanapin siya ni Sir Denis.
Suddenly she remembered her best friend. Mukhang hindi rin siya makakatakas bukas sa kaibigan niya. Siguradong kukulitin siya nito magkuwento kung ano ang mga naganap sa meeting.
Kanina nga lang na nasa Restaurant sila ay panay na ang padala ng text message nito sa kaniya nagtatanong kung ano na ang nangyari sa kanila. Hindi na lang pinansin ni Monica.
Her cheeks blushed again when she remembered the call she made to the Ricafort Hotel landline. She heard Sir Jack’s voice over the phone. His deep and cold voice. It was nice to hear his voice over the phone. She mentally giggled.
Naloloka na naman siya sa pag-iisip sa boss niya at gumulong-gulong ulit sa kama niya.
Ipinilig niya ang ulo at inumpisahan na magtipa sa laptop. Magmula sa take notes na ginawa niya at ang ginawa niyang pag record sa meeting lahat ng iyon ay inilagay niya sa report.
It took her about an hour to finish her report. She saved it and print for a hard copy. Hinilot hilot ni Monica ang sentido nang kumirot iyon. Madaling araw na at ramdam na ramdam niya na ang antok at sobrang pagod. Inayos niya ang mga gamit at in-off ang laptop napahikab siya nang humiga sa kama at hindi nagtagal ay nakatulog na siya.