BERRIE moaned softly against Nathan's mouth. Malambot ang dila nito, kabaligtaran ng matigas nitong katawan. Isang taon siyang naghintay na mahalikan ng lalaki kaya hindi nakakapagtaka na maging mas agresibo siya ngayon. Pero nakakatuwa rin na mukhang ganoon din ang nararamdaman ni Nathan na talagang sinasabayan ang galaw ng dila niya sa loob ng bibig nito. Needless to say, he was devouring her mouth. Kung hindi lang siguro nila kailangan ng hangin, hindi na maghihiwalay ang mga dila at bibig nila. Pero naiwan pa rin ang ebidensiya ng matindi nilang halikan—ang namamaga niyang mga labi. "Good girl," nakangising sabi ni Nathan nang putulin nito ang halik. Marahan pa nitong kinagat ang ibabang labi niya bago tuluyang inilayo ang bibig nito sa kanya. Napangiti si Berrie at magbibiro pa san

