NAKASANDAL si Berrie sa dibdib ni Nathan na nakapalupot ang mga braso sa baywang niya. Nakaupo sa kama ang lalaki habang nakasandal sa headboard. Pagkatapos nilang "magkalat" sa sofa kanina, lumipat na sila sa kama nito dahil wala nang dahilan para matulog pa sila nang magkahiwalay. She wore his white polo which was too big for her so she didn't bother to put anything under. Nathan, on the other hand, only had his boxer shorts. Nakabalot naman sila ng makapal na comforter kaya hindi sila nilalamig kahit halos wala silang saplot. "I was worried about a lot of things before," pagsisimula ng lalaki. "Hindi lang sa trabaho ko bilang instructor. Nagturo lang naman ako para hindi ako ma-bore habang nasa grad school ako. I plan to quit as soon as I finish my master's degree. Saka hindi na rin a

