NAKAHIGA na si Berrie sa kama at matutulog na sana nang makatanggap ng message mula kay Nathan. Nang buksan niya iyon, nawala bigla ang antok sa buong sistema niya. Nathan's message contained a picture of his six-pack abs. Hindi kita ang mukha ng lalaki dahil natatakpan ang kaguwapuhan nito ng hawak na malapad na phone. At sa picture na ipinadala nito, nakatayo ito sa harap ng salamin sa banyo habang nakaangat ang suot na polo. Kaya sa palagay niya, nasa school pa rin si Nathan at break time nito kaya ngayon lang nakasagot sa isinend niyang picture kaninang umaga. He probably just snapped that photo when he used the bathroom. Hapon pa lang kaya alam niyang mamaya pa uuwi ang lalaki. Siya naman ay pagod na at wala nang klase sa university. Ibig sabihin, walang mag-aalis ng pag-iinit na na

