MOVIE date. Naisip ni Berrie na yayaing manood si Nathan ng last full show ng isang foreign movie na gusto niyang panoorin. Dahil weekday noon at hindi naman ganoon kasikat ang palabas, sigurado siyang kaunti lang ang makakasabay nila sa sinehan. "Sorry kung pupuyatin kita ngayon," muffled na sabi ni Berrie dahil sa suot niyang hot pink mask na may disenyong makapal na red lips na may mga stitch. Yakap-yakap niya ang malaking bag ng popcorn na binili ni Nathan kanina. "Alam ko namang may pasok ka pa bukas. Ngayon lang kasi ang available sched natin na tugma, eh. Bukas kasi, may shooting na 'ko para sa isang minor role sa new drama ng TV station namin. Siguro tatagal din ng ilang linggo ang pagsu-shoot ko." "Oh, you'll be busy?" halatang dismayadong tanong naman ng lalaki. May bitbit ito

