CHAPTER THIRTY

1510 Words

Unti unting iminulat ni Kristina ang kanyang mga mata. Inilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng kwarto kung saan siya naroroon. Hindi siya maaaring magkamali, nasa ospital siya! Pagtingin niya sa kanan, nakita niya ang kanyang ina. Nakangiti ito sa kanya. Hinaplos nito ang kanyang buhok. Nanghihina pa rin siya. “Kumusta ka na, anak? Ayos na ba ang pakiramdam mo? Dalawang araw ka nang natutulog,” wika ni Aling Loring. “Ano pong nangyari ‘Nay? Bakit nandito ako?” mahinang usal niya. “Nagtangka kang magpakamatay anak. Naglaslas ka. Mabuti na lamang at may nakakita sa ‘yong nagpunta ka sa manggahan. Nagmadali akong pumunta sa mansyon at nakita kitang duguan sa kwarto ninyo. Sobra akong nataranta, anak! Akala ko ay mawawala ka na rin sa amin,” naluluhang wika ni Aling Loring. “’Wag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD