TRIGGER WARNING : Suicide NAPABALIKWAS ng bangon si Kristina. Ilang oras na ang nagdaraan mula nang mahimatay siya. “Nay!” tawag niya kay Aling Loring. “Gising ka na pala anak.” Naroon pa rin ang pag-aalala nito. “Kumusta ang pakiramdam mo?” “Ok naman po, ‘Nay,” nakangiting tugon ni Kristina. “Si Tony po, dumating na?” Biglang kinabahan si Aling Loring sa tanong ng anak. “Anak, ano bang sinasabi mo? Wala na siya.” “Anong wala? Ang sabi niya po, may pupuntahan lang siya,” Bigla itong tila nataranta at may hinahanap. “Iyong cellphone ko po ‘Nay, nasaan?” Iniabot ni Aling Loring ang cellphone nito. Napakamot sa gilid ng kanyang labi si Kristina. “Hindi pa nag-ti-text si Tony?” Nagbaling siya sa ina. “Hindi pa po ba siya tumatawag?” Nilapitan ni Loring ang anak at niyakap. “Anak, tumi

