Problematic Natan (POV) Masakit man sa loob ko na mapalayo ang isa sa mga panganay ko ay kailangan ko siyang protektahan kasama ng apo ko. Ang sabi ng Doctor ay mahina ang kapit ng apo ba at hindi maganda sa kanya na ma stress. Kung titira siya dito sa Pilipinas ay lagi lang niyang maalala ang Ninong niya kaya titira muna siya sa Canada kasama ang mga Lolo at Lola niya. Kung sasabihin ko sa kanya ang totoo na kalagayan ni Ryan ay siguradong mag wawala lang at pag pupumilit na puntahan siya. Napalalim ang aking pag hinga paglabas ko na sa kwarto ng aking anak. Ang susunod na harapin ko ay ang anak kong si Nathalie, paano ko siya tutulungan kung wala naman siya sinasabi sa akin. Napagpasyahan ko na pabantayan na la mang siya ng palihim sa aking mga tauhan dahil ang kalaban ng asawa niya a

