Autumn (POV) Pagdating namin dito sa Canada ay agad akong pinag pahinga ni Lola sa kanilang kwarto dahil gusto ko silang katabi na matulog. Hindi ko kakayanin na mag-isa lang na matulog. Nasanay ako sa buong buhay ko na may katabi lagi sa kama. Kinabukasan ay pumunta sa kami sa isang Ob gyn. Ipinakita ko sa Doctor ang inereseta sa akin ng Doctor sa Pilipinas. Okay naman daw at pwede kong i continue dahil Vitamins lang naman ito para sa mga buntis. Kada buwan ang check-up ko hanggang mag 5 months daw ang aking pinag bubuntis. May mga inirekomenda siya na seminar na pwede kong puntahan dahil 1st time Mom ako. Pumayag naman ako para kahit paano ay malibang ako. Bawat buwan na lumipas ay inaasahan ko na bigla nalang na nasa harap ko na ang lalaking minahal ko pero umabot ng limang buwan a

