Chapter Six
I COULDN’T sleep thinking about what just happened. Hindi lang isang beses may nangyari sa amin ngayon pero ilang ulit din.
Nilingon ko siya. Inangat ko ang aking kanang kamay upang haplusin ang mukha niya. Siguro ito nga ang papel ko sa kanyang buhay. Being his lover in bed and nothing more than that.
Hindi namin pinag-usapan ang nangyari ng matapos kami. Bigla na lang niya akong tinulugan ng walang kahit anong explanation.
Inialis ko ang mga braso niyang mahigpit na nakayakap sa aking baywang pagkatapos ay kumuha ng malinis na damit. Kailangan ko munang maglinis at magluto.
Lumabas ako ng kuwarto at pumunta ng kusina. Bahagya pang namula ang aking mukha ng maalala na dahil sa paharang-harang na silya na ito ay may nangyari ulit sa amin ni Ethan. Hindi ito ang first time namin, kung tutuusin nga ay maraming beses na namin itong nagawa pero parati pa rin akong pinamumulahan tuwing maaalala ko ang pangyayari. Tinapik ko ang upuan. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako rito o kakabahan sa puwedeng mangyari sa aming dalawa.
“Ay! Kabayo,” bigla akong napasigaw at napatalon sa gulat. Biglaan kasing may yumakap sa aking likuran.
“Chill lang. Ang stiff mo ata ngayon samatanlang kagabi-“ mabilis ko siyang hinarap. Itinakip ko sa kanyang bunganga ang tissue na napulot ko. Imbes na magalit ay tinawan lamang niya ako.
Hindi na niya ako ginulo at natatawa na lang na lumabas ng kusina. Naisipan ko na maglinis na muna ng bahay bago kami mag-usap. Habang naglilinis ay may bigla akong natandaan. Kinakabahang tumakbo ako papuntang sala. Nilingon naman agad ako ni Ethan na ngayon ay nakaupo na sa sofa.
“Ethan…” mahinang saad ko sa kanya. Tila nagtataka naman siya sa tono ng aking pagsasalita.
“Gumamit ka ba ng condom?” deretsong pagtatanong ko sa kanya
Natigilan ito at biglang nag-isip. Kumunot ang noo niya kaya’t hindi ko mapigilang yugyugin ang kanyang magkabilang balikat.
Nanlalaki ang mga mata kong nagsalita, “Huwag mong sabihing wala kang ginamit?”
“Paano ko malalaman? Sobrang okupado ng isip ko kagabe!” sagot niya sa akin. Halatang iniisip niya muli kung gumamit nga ba siya o hindi.
“Ikaw naman ang nagsusuot non. Kahit ang pagsuot hindi mo matandaan?” malakas kong sigaw sa kanya. Tila umalingawngaw ang boses ko sa buong bahay.
“Hindi ko maalala ang una pero natatandaan ko namang may ginamit ako,” hindi niya siguradong sagot.
“Ilang beses may nangyari sa atin Ethan at hindi ako nagt-take ng pills.”
“Ella, ano naman ngayon?”
“Paano kung mabuntis ako?” napakagat-labi kong tanong sa kanya.
Namutla ang kanyang mukha tila naiintindihan na kung bakit ako nagtatanong sa kanya.
“Take a PT after two weeks… Two weeks Ella,” dinig kong pag-uutos niya. Pagkatapos ay iniwan na ako sa sala at walang paalam na lumabas ng bahay.
Pero natatakot ako sa puwedeng mangyari. At na-disappoint din ako kay Ethan. Halata sa reaksyon niya. Alam ko na hindi niya ako pananagutan sa kung ano man ang magiging resulta ng nangyari.
TWO weeks passed by smoothly. Here I am taking a PT, inside my bathroom. Kagaya nga ng sinabi ni Ethan ay kailangan kong subukan ito. Simula rin ng araw na iyon ay hindi ako nilalapitan ni Ethan. Kahit ang kausapin lang ako ay hindi niya magawa. Palagi siyang umaalis ng bahay at kung uuwi naman ay nasa kuwarto lang niya ito at nagmumukmok.
I don’t know what to do anymore. Nakukulta ang utak ko sa kaiisip kong ano ang tumatakbo sa isapan ng lalaking iyon. Sobra na nga ang kaba ko habang hawak-hawak ang PT. Tutok na tutok ako habang hinihintay ang resulta.
“Isa… dalawa…” halos pabulong kong anas.
Hindi ko maiwasang matulala. Nang rumehistro sa aking isipan, ay hindi ko maiwasang mapasigaw ng malakas. Halo-halo ang aking nararamdaman. Nag-init ang aking magkabilang mata at hindi ko na mapigilang maluha. Napahawak ako sa impis ko pang tiyan at hinaplos ito ng marahan.
“My baby…” naiiyak kong usal. “My God! Buntis ako.”
Hindi ko alam ang gagawin ko. Lumabas ako ng banyo at dinala ako ng aking mga paa sa itaas. Natagpuan ko ang aking sarili sa harap ng aking painting studio.
Pagbukas ng pintuan ay bumungad sa akin lahat ng naipinta ko. Mula sa maliit na frame hanggang sa malalaki. Pero mas natuon ang pansin ko sa isang malaking frame. I think it’s a sign. A sign for me to continue my love for him. Parang sinasabi nito na masaya siya para sa akin.
A white butterfly gracefully lands on my painting. My promise painting to my sister. Ang painting naming dalawa na masayang nagtatawanan habang nakaupo sa duyan. Kumakain kami ng mangga habang napapalibutan ng mga bulaklak.
Hindi pa siguro ito ang tamang oras para magkasama kaming pamilya. Gusto kong mamatay dahil iniwan nila akong lahat. Pero dumating itong isang anghel na matatawag ko na akin. Wala akong kaagaw sa kanya dahil ibinigay ito sa akin ng maykapal. I can’t die like this… habang nasa sinapupunan ko ang batang ito.
Mabilis akong nagbihis at lumabas ng bahay. Hahanapin ko si Ethan. Sasabihin ko sa kanya na hanggang ngayon ay mahal ko siya. Kaya kong maghintay hanggang mahalin niya ako kasama ang magiging anak namin.
Mabilis akong nag-drive at pinuntahan ang lugar na maaari niyang puntahan. Kanina pa ako palibot-libot. Mabuti na lang at hindi pa sensitibo ang aking pakiramdam kaya’t hindi pa ako nasusuka.
Dahil sa magulo at marami akong iniisip. Hindi ko napansin ang isang rumaragasang trak na biglang nag-overtake sa aking sasakyan. Bago pa ako makagilid sa daan, ay naramdaman ko na ang pagbangga nito sa akin.
Bigla na lang nag-flashback sa akin ang lahat. Ang mga pangyayari sa buhay ko. Napahawak ako sa aking tiyan. Natakot ako hindi para sa aking sarili kundi sa batang nasa sinapupunan ko.
Hanggang dito na lang ba ako? Mamatay ba ako katulad ng pamilya ko. Noong una gusto ko na ring mamatay. Pero gusto ko ring makita ang magiging anak namin.
“E-Ethan!” bigla ko na lang naisigaw pagkatapos ay tumaob ang aking sasakyan. Iyon ang huli kong natatandaan bago ako mawalan ng malay.