Chapter Seven - Accident

1217 Words
Chapter Seven NAGPAKAWALA ako ng malalim na hininga bago muling nagsalita. “She’s a drug to me. I get a small taste and I can’t help but come back begging for more,” helpless kong sabi sa pinsan ko. “Dude, my dearest cousin. It’s not lust anymore. You both started the wrong way, pero look… I know both of you is starting to fall. To fall in this magic they called love,” tudyo pa niya sa akin. Hindi ko naman maiwasang mainis, hindi sa sinasabi niya kundi sa tono ng kanyang pananalita. “Hindi ko alam pare. Alam mo namang kamamatay lang ni Ellana. What if it’s just a flare?” naguguluhan kong pagtatanong sa kanya. Narinig ko naman ang pagtawa niya sa kabilang linya. “Ethan, hindi mo na kilala ang sarili mo. Listen to your heart and mind. Pagpareho ang sinasabi at tinitibok ng puso mo… edi iyon ang sundin mo. Then be courageous, huwag kang maging duwag, dude. Lastly, go with the flow. Huwag mong pigilan ang sarili mo. At baka sa huli kapag alam mo na ang nararamdaman mo ay ikaw naman ang magsisi,” mahaba niyang pangangaral sa akin. Kung makapagsalita naman ito ay aakalain mong marami itong alam sa ganitong bagay. Akala ko hindi na siya magsasalita pa pero may pahabol pa siyang sinabi sa akin. “Alam ko ang mga tingin mo kay Ella. Pero mas gugustuhin ko na ikaw mismo ang makaalam non sa sarili mo.” Binabaan ko na si Josh. Ayaw ko ng makarinig ng kung anu-ano pa na pangaral sa kanya. Hindi pa siya kailanman na in love, kaya’t hindi niya alam na hindi ganoon kadali ang sitwasyon ko. Nagpakawala ulit ako ng malalim na hininga bago naglakad papalayo sa dalampasigan. “Pare, kawawa naman iyong babae kanina,” nabanaag ko ang mukha ng lalaki na puno ng pagkaawa sa babaeng tinutukoy nito. Naglalakad ang dalawang lalaki habang may pinag-uusapan na nakakuha ng aking pansin. “Oo nga, tumaob daw ang kotse. Mabuti na lang at nailabas agad ang drayber bago sumabog iyong kotse niya,” segunda naman ng lalaking katabi nito. Nanlalaki pa ang mga mata habang patuloy na nagsalita. “Ang ganda pa naman ng babae pre. Minalas siguro ng lumipat dito.” Doon na nagpanting ang aking mga tenga. Wala akong maisip na bagong lipat sa lugar na ito kundi kaming dalawa lamang ni Ella. Hinila ko ang isang lalaki papalapit sa akin. Natatakot niya akong tiningnan, akala siguro ay susuntukin ko siya. “Sino ang pinag-uusapan ninyo na naaksidente?” aniya ko sa kalmadong boses. “I-iyong babae po na nakatira doon sa m-magandang bahay. I-iyong kulay puti po na maraming bulaklak,” nauutal niyang sagot. Hindi naman makagalaw ang kasama niyang lalaki. Natatakot din ata na siya ang pagbuntunan ko. Hindi ko alam kong anong gagawin sa aking narinig. Hindi naman ako siguradong si Ella nga iyon. Pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan at matakot. “Nasaan siya?” “D-dinala po sa ospital.” Nag-panic na ako. Hindi ko na nga natandaang may kotse pala akong dala. Sana’y hindi na lang ako nagliwaliw sa araw na ito. Mabilis kong tinakbo ang ospital. Mabuti na lang at malapit ito sa may dalampasigan at hindi ako nahirapang makarating agad. Humihingal na hinila ko ang isang nurse pagkapasok ko ng ospital. Nagulat pa ang nurse ng makita akong pawisan at hinihingal. “Ella Martinez po. Iyong dinala rito kanina na naaksidente,” pagkuway tanong ko rito. Mabuti na lang at hindi na ito nagtanong pa ng kung anu-ano, dahil baka masiraan ako ng bait sa pag-aalala. “Room 202 po, Sir.” “Salamat.” Lakad takbo kong tinungo ang kuwarto pagkatapos ay marahas na binuksan ang pinto. Nakita ko siyang namumutla habang nakahiga. May galos din sa kanyang braso at mukha. “Ella… damn! I’m sorry kung hindi kita nabantayan. Wake up, babe.” BAHAGYA kong iminulat ang aking mga mata. Kahit nanlalabo ang aking paningin ay nakita ko si Ethan na nakatungo. Alam ko na si Ethan ito. Nararamdaman ko ang mainit niyang kamay na mahigpit na nakahawak sa aking mga kamay. Nang tuluyan ko ng iminulat ang aking mga mata ay nilingon niya agad ako. “Hey! Are you okay?” nag-aalalang tanong niya at may pinindot sa aking ulohan. Para siguro tumawag ng nurse o doctor. “T-tubig,” mahinang saad ko. Nagmamadali niya akong inabutan ng tubig at pina-inom. Maya-maya ay nakarinig kami ng tatlong katok pagkatapos ay pumasok ang isang may katandaang doctor. “How are you feeling, iha?” pagtatanong niya sa kalmadong tinig. “J-just a little bit groggy.” “That’s normal. Wala namang nabali sa iyo. Mabuti na lang at hindi ka masyadong nasaktan sa aksidenteng nangyari. Mga galos lang ang tinamo mo. Siguro ay may guradian angel ka,” natawa ito. Hindi ko rin naman maiwasang mapangiti rin sa kanyang sinabi. “Doc.” tawag pansin ko sa kanya. Napatingin naman siya sa kamay ko na nakahawak sa aking tiyan. Natawa muli ang doctor. “Of course, bakit ko nga ba nakalimutan. Minsan lang kasi kami magkaroon ng magandang pasyente rito,” pagbibiro niya bago ako sinagot. “Okay lang ang baby. Wala namang nangyaring masama sa kanya. May tumingin din sa iyong Ob-gyn kanina. Mabuti na lang talaga at malakas ang kapit ng bata.” Nakahinga naman ako ng maluwag. Nilingon ko si Ethan na nalilitong napatingin sa akin. “Ang totoo niyan, hinanap talaga kita kanina para sabihing buntis ako,” napakagat-labi ako habang nakatingin sa kanya. “I don’t know what to say,” pagkuway puna niya. “Pero sana hinintay mo na lang ako kanina sa bahay. Puwedeng mas malala pa rito ang nangyari sa iyo. O hindi kaya’y mawala ang… baby,” yamot na pahayag ni Ethan pero napansin ko ang paghina ng boses niya ng sabihin ang huling salita. Nakatunog ata ang doctor na seryoso ang pag-uusapan namin kaya nakauunawang umalis na ito. Pagkasirado ng pinto ay nagsalita agad si Ethan. “Nandito na lang din naman tayo kaya magtatapat na ako sa iyo. I’m sorry kung kailangan pang mangyari ito sa iyo bago ko masabing gusto kita,” walang kurap na tugon niya sa akin. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Seryoso ba ito o nabingi na ako dahil sa pagkaka-alog ng ulo ko sa nangyaring aksidente. “Gusto mo ako?” pagkukumpirma ko sa sinabi niya. “Oo. Gusto kita. Gustong-gusto ko ang lahat sa iyo Ella,” madamdamin niyang pahayag. “Tama nga siguro ang sinabi ni Josh. Kailangan kong maging totoo sa aking sarili. Ayaw ko na pagsisihan sa huli, na hindi ko nasabi sa iyo ang totoo. Ang totoo ko na nararamdaman,” pagpapatuloy niya. Naiiyak na tumingin ako sa kanya. Hindi nga ako nagkamali sa narinig. Sasabihin ko pa naman sana na handa akong maghintay. Pero heto siya… sinasabing gusto ako. Gusto niya ang lahat sa akin. “Don’t cry baka anong mangyari kay baby.” “I’m just happy.” “Masaya rin ako.” Nginitian niya ako at kinintalan ng magaang halik sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD