Chapter Eight - Driving me crazy

1091 Words
Chapter Eight MASAYA akong bumangon sa aking kama. Tatlong araw lang ako na-confine sa ospital at kanina nga lang umaga ay nakauwi na ako rito sa bahay. Dumungaw ako sa bintana. Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang magandang tanawin sa lugar na ito. Makikita rito sa aking kuwarto ang dagat na kulay asul gaya ng kalangitan. Ang mga huni ng ibon ay maririnig habang lumilipad-lipad sa himpapawid. Nakatutuwa ring pagmasdan ang malalakas na alon na humahampas sa malalaking bato sa may dalampasigan. At ang mga nililipad-lipad na mga bulaklak dahil malakas na hangin. Kung titingnan ng mabuti ay parang isinasayaw ang mga ito. Nakangiti akong lumabas ng aking kuwarto matapos pagmasdan ang tanawin sa labas. Tinahak ko ang kuwarto ni Ethan. Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto. Pagsilip ko ay wala siya sa loob kaya’t nilibot ko ang buong bahay, pero hindi ko siya makita. Siguro ay may pinuntahan ito. Naisipan kong lumabas muna para magpahangin, nang si Ethan agad ang nabungaran ko. Nakatalikod siya sa akin habang may kinakausap sa cell phone. Mas napangiti ako. Susurpresahin ko na sana siya ng mapatigil ako sa kanyang sinabi. Biglang nawala ang aking mga ngiti at hindi ko mapigilang masaktan sa narinig. “Josh, hindi pala nawala iyong pagmamahal ko sa kanya dati. Tinago ko lang iyon sa kailalim-laliman ng puso ko. But still… I love her. Only her Josh,” punong-puno ng pagmamahal na sambit ni Ethan. Hindi ko na pinakinggan pa ang susunod niyang sasabihin. Tumakbo agad ako sa aking kuwarto at umiyak. Tinakpan ko naman ang aking bibig para hindi niya ito marinig. Tila bombang naalala ko ang kanyang sinabi. Gusto niya ako. Gusto niya lang ako at hindi mahal. Magkaiba ang salitang gusto sa mahal niya ako. Hindi niya sinabi sa aking magpapakasal kami para magkasama habang buhay, kasama ang magiging anak namin. Bakit ba hindi ko iyon napansin. Umasa na naman tuloy ako sa wala. Mabilis kong pinunasan ang mga luhang pilit pa ring lumalabas sa aking mga mata. Inilabas ko ang aking mga damit sa aparador at hinila ang aking kulay itim na maleta na nakatago sa ilalim ng kama. Bakit ko ba nakalimutang mahal na mahal niya ang kapatid ko. Sandali akong nabulagan at nabingi ng marinig ko siyang sabihin ang mga katagang iyon. Nang matapos kong ipasok ang mga gamit ko ay lumabas agad ako ng kuwarto. Nagkagulatan pa kaming dalawa ng magkasalubong kami. Kumunot ang noo niya ng makita akong umiiyak at may dalang maleta. Pilit ko namang pinupunasan ang aking mga luha na hindi matigil-tigil. At ang puso ko na kahit nasasaktan na ay mabilis pa ring tumitibok para sa kanya. “Saan ka pupunta?” matigas niyang pagtatanong habang hinahawakan ng mahigpit ang kanan kong braso. Hindi ko siya sinagot. ”Saan ka pupunta?” pag-uulit niyang tanong. “Sa malayo. Sa lugar kung saan hindi kita makikita pa!” sabi ko na lamang. Inalis ko ang kamay niyang mahigpit ang pagkakahawak sa aking braso. Namumula na nga ito ng mabawi ko sa kanya. Hindi ito tumigil. Ang maletang hawak ko naman ang hinawakan niya ng mahigpit. “Ella, what’s happening to you?” naguguluhang tanong niya. Hindi ko mawari kong nagagalit ba siya o natatakot. Hindi ko siya sinagot muli at pilit kong hinihila ang maleta sa kanya. “Ella, okay naman tayo nitong mga nakaraang araw,” malamlam niyang ungkat. “Akala ko nga okay tayo Ethan. Pero hindi pala. Umasa ako, pero… pero anong nangyari nasaktan pa rin ako sa katotohanan,” pahayag ko sa pagitan ng pagluha. “Bakit? Just tell me what happened Ella. Tell me!” untag niya sa akin. “Mahal kita Ethan. Pero alam ko na hindi mo ako mahal kundi siya pa rin,” sabi ko out of frustration, “Ayaw kong makipagkompetensiya sa taong patay na… lalo na kung ang kapatid ko ito.” “Mali ka ng iniisip Ella.” “Ano ba ang mali? Narinig ko ang pag-uusap niyo ni Josh, iyong pinsan mo kanina sa cell phone,” ismid ko habang patuloy na pinupunasan ang aking mga luha. “Hindi si Ellana ang pinag-uusapan namin.” “Kung hindi siya, sino? Sino Ethan?” “Ikaw Ella.” Natigilan ako. Kahit ang mga luha ko ay biglang umurong. Nagulat din ako ng mapansing namumula ang mga mata niya na waring naiiyak. “Wala ka bang tiwala sa akin? Ella, pinaparamdam ko naman sa iyo. Kulang pa ba iyon?” basag ang boses ni Ethan ng magsalitang muli. “Wala akong maramdaman na kung ano. Huwag ka ring magpatawa Ethan. Bakit naman ako ang pag-uusapan ninyong dalawa?” naiiling na saad ko. “Okay. Magku-kwento ako and just hear me out, okay? Just listen to me.” Magsasalita pa sana akong muli ng iniharang niya sa labi ko ang kanyang hintuturo. Kaya’t tumango na lamang ako. “Una kitang nakita sa mall. Hindi mo na siguro naaalala. You’re still studying then, Ella. Both of you. Pero ikaw ang kauna-unahang babae na nakaagaw ng pansin ko. The way you smile and talk makes my heart beats louder than it’s normal beating. Iyang mukha mo na hugis puso, kulay tsokolateng mga mata, at maninipis pero mapupulang labi. That’s when I realize that I fell in love with you in just a minute,” nakangiting pagku-kuwento niya. “Not only with your physical attributes. Pero iyong pagkatao mo talaga. Sa likod ng masaya mong mukha ay isang malungkot na babae. Babaeng may kung anong pinagdaraanan. Gusto kitang protektahan at alagaan,” pagpapatuloy niya. Hindi ko naman maiwasang magtanong. “Pero bakit hindi mo ipinaramdam sa akin?” “Because I doubted myself. Bakit naman ako magkakagusto sa iyo ng ganoon lang? I taught it’s just a flare. Na mawawala lang kinalaunan. Until I met your sister,” halos pabulong niyang sabi. “At minahal mo siya.” “The truth is… I didn’t fell in love with her. I just felt safe. Para lang kaming mag-best friend. Maniwala ka man o hindi. Comfortable ako sa kanya kasi hindi niya ginugulo ang isip at puso ko. Unlike you…” “Me?” nanlalaki ang matang tanong ko sa kanya. Nakaturo pa ang hintuturo ko sa aking mukha. “Yes, cause you drive me crazy!” mapanukso ang mga ngiting naglalaro sa labi niya. “I love everything about you. Even the way you refused, when all along you wanted me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD