Chapter Nine - Surprise

1467 Words
Chapter Nine LUMIPAS ang ilang araw matapos umamin ni Ethan sa akin. Mas gumaan ang aking pakiramdam. Pero meron pa rin isang katanungan na gusto ko malaman ang kasagutan. “Ethan, wake up!” masuyong bulong ko sa kanyang tenga. Napaungol naman ito parang nakikiliti. “Hmm…” Nagulat ako ng bigla niya akong inihiga tapos ay kinubabawan at kiniliti. Hindi maampat ang aking pagtawa. Ito rin naman ay tatawa-tawa habang nakatingin sa akin. Nang matapos ito ay tinitigan niya ako, na para bang ako ang napakagandang nilalang sa mundo. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha para humalik sa aking noo. Habang Itinataas naman ang suot kong damit para mahalikan ang aking tiyan. I felt a warm feeling that envelops my heart. Kasabay ang tila tambol ng drum na tunog ng aking puso. “May itatanong lang sana ako sa iyo Ethan.” “I’ll answer it later. Actually may kailangan kasi tayong puntahan ngayon. Baka ma-late tayo. It’s already four pm,” pagkuway pahayag niya. “Saan naman?” “Basta. Get up and get dressed.” “Okay?” naguguluhan man ako sa inaakto niya pero sumunod pa rin ako. Mabilis itong nakapagbihis. Akala ko nga ay hindi na niya ako isasama. “Babe mauuna na pala akong pumunta sa iyo sa resort. May emergency raw kasi sabi ni Josh. Papasamahan na lang kita kay Manang Lolit papunta roon.” “Sige,” maagap na tugon ko. Wala naman akong angal basta isasama niya ako. Ang hirap pala talaga pagbuntis. Noon ayaw kong lumalabas ng bahay pero ngayon gusto kong gumala. Sana lang talaga at lumaking hindi gala itong anak namin. “Alam na ni Manang kung saan ang address,” nagmamadali itong lalabas na sana ng bahay ng muli ko siyang tinawag. “Teka may nakakalimutan ka pa,” pagpigil ko sa kanya, ininguso ko ang aking labi na ikinatawa naman niya. Agad niya akong nilapitan. Hinapit niya ang aking baywang at hinalikan ako ng mariin pagkatapos ay niyakap ng mahigpit. “Hindi na lang siguro ako aalis. Gusto ko na ganito lang tayo parati.” “You’re so sweet ngayon Ethan,” kantiyaw ko sa kanyang inaakto. “Bakit hindi ko ba ugaling maging sweet?” Natawa na lang ako sa inakto niya at hindi magawang sumang-ayon na sweet nga siya. THE resort is beautiful. Ito siguro ang bagong ipinatayo na negosyo ng magp-pinsan. Speaking of… nasaan na ba ang mga iyon. Bigla na lang din nawala si Manang Lolit na kasama ko na pumunta rito. But I can’t still help but smile to myself. I’m wearing a white dress. Not tube like or off-shoulder. Simple lang ito, plain at walang design. And a little inches below my knees. For the first time ko kasing magsuot ng ganitong dress at kulay puti pa. I feel so free. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Hindi ko itinali ang mahaba kong buhok kaya’t nililipad-lipad ito ng hangin. Nahagip ng paningin ko si Josh na nagmamadaling umalis. “Josh!” tawag ko rito. Hindi niya ako narinig kaya’t sinundan ko na lang siya. Nakita ko siyang pumasok sa isang function hall. Kaya lang sa aking pagbukas ng malaking pinto. Nagulat ako. Nagulat ako ng hindi lang si Josh ang aking makita. Everyone is here. Ethan’s parents and cousins. Sa kabilang side ay ang mga sponsors ng painting ko and my loyal friends. At siyempre si Ethan na guwapong-guwapo sa suot nitong kulay puti na tuxedo, habang nakatayo sa dulo ng aisle. Inilibot ko ang aking paningin. Napakaganda ng disenyo sa loob, halatang pinagplanuhan at ginastusan. Ibinaling ko ulit ang aking tingin sa kanila. Nakangiti silang nakatingin sa akin at naghihintay sa aking reaksyon. Imbes na maiyak dahil alam ko na ang mangyayari ay natawa ako. “What the heaven’s! Kasal ko pala ngayon? Hindi ako na-inform!” natatawa kong pahayag. Natawa rin naman silang lahat sa sinabi ko. Sobra-sobra ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam na mangyayari ito. Ang pangarap ko na maikasal sa lalaking una kong inibig at siya ring magiging huli. “Where’s my bouquet?” Natawa silang muli. Lumapit naman sa akin si Manang Lolit para ibigay ang bulaklak. It’s Marigold. It means happiness that will definitely come and sad love or ending. Pero alam ko na hindi ito magiging sad ending, but the start of my fairy tale life and love story. Dumagundong ang t***k ng puso ko ng marinig ang kanta ni Christina Perri, ang A Thousand Years. Heart beats fast Colors and promises How to be brave? How can I love when I’m afraid to fall But watching you stand alone All of my doubt Suddenly goes away somehow One step closer Nang simulan ang tugtog ay nakangiti akong naglakad papunta sa lalaking nahihintay sa akin sa dulo. Kabaliktaran ko. Ito naman ay hindi matigil sa pag-iyak. Natawa pa ako ng makitang pinunasan ni Josh na siyang bestman ni Ethan ang mga luha nito. I have died everyday waiting for you Darling don’t be afraid I have loved you For a thousand years I’ll love you for a thousand more Nang makalapit ako sa kanya ay hinila agad niya ang aking mga kamay at niyakap ako ng mahigpit. Aakalain mong ilang taon kaming hindi nagkita. Napangiti ito at sabay naming hinarap ang pari. Time stands still Beauty in all she is I will be brave I will not let anything take away What’s standing in front of me Every breath Every hour has come to this One step closer “Kailan ka nagplano nito?” mahina kong pagtatanong habang patuloy pa rin ang pagtugtog ng musika. “Noong narinig mo kaming nag-uusap ni Josh. Nagpa-plano na kaming lahat non.” Tumigil lang kami sa pag-uusap ng magsalita na ang pari. “We are gathered here today in the sight of God to celebrates one of life’s greatest moments… The joining of two hearts,” nakangiting pagsisimula ng pari. “Today we have come together to witness the joining of these two lives. For them, out of the routine of ordinary life, the extraordinary has happened. They met each other, fell in love and are finalizing it with their wedding today. Romance is fun, but true love is something far more and it is their desire to love each other for life and that is what we are celebrating here today.” Everything seems so fast but magical. Hindi ko na kinayang hindi maiyak ngayong magkaharap kami to say our vows. “I, Ella Martinez, take you Ethan Buendia, to be my husband, my partner in life and my one true love. I will cherish our friendship and love you today, tomorrow, and forever.” “I will trust you and honor you. I will always laugh with you and cry with you. I will love you faithfully through the best and the worst. Through the difficult and easy. Whatever may come, I will always be there. As I have given you my hand to hold. So I give you my life to keep.” Naiiyak na naman siyang nakatingin sa akin. Tumikhim ito at siya naman ang nagsalita. Mahigpit ang pagkakahawak sa aking kamay. “I, Ethan Buendia, take you Ella Martinez, to be my wife, my partner in life and my one true love. I will cherish our friendship and love you today, tomorrow, and forever.” “I will trust you and honor you. I will always laugh with you and cry with you. I will love you faithfully through the best and the worst. Through the difficult and easy. Whatever may come, I will always be there. As I have given you my hand to hold. So I give you my life to keep. I love you, Ella. Always and forever,” madamdamin niyang sabi. After the vows, I can’t remember a thing. Even saying I do’s. Sobra-sobra ang sayang nararamdaman ko. Nagulat na nga lang ako, when I heard the closing of the priest. “You have kissed a thousand times, maybe more… But today the feeling is new. No longer simply partners and best friends, you have become husband and wife and can now seal the agreement with a kiss. Today, your kiss is a promise. You may kiss the bride,” nakangiting saad ng pari, habang nakalahad ang mga kamay. Nakangiting tinanggal ni Ethan ang veil sa aking mukha, pagkatapos ay hinalikan niya ako. Mabilis at magaang halik na punong-puno ng pagmamahal. “I would like to introduce Mr. and Mrs. Beundia.” Sabay kaming humarap sa lahat at sinalubong ng masigabong palakpakan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD