Chapter Eleven
ILANG buwan na ang lumipas at manganganak na nga ngayon si Ella. Hindi madali ang pinagdaanan namin nitong mga buwan. Nagkasakit si Mama at kailangan ko siyang bantayan kasama si Papa. At meron pa akong asawa na noong sumapit ang ikatlong buwan ng kanyang pagbubuntis ay doon pa ito naglihi ng kung anu-ano. Minsan ay nag-aaway na kami at nagkakasakitan. Mabuti na lang at hindi pisikalan pero magmumurahan naman kami.
Hindi talaga madali ang pagpasok sa buhay mag-asawa. Tinanong pa nga ako ni Joseph, kapatid ni Josh, kung nagsisi ba ako sa aking naging desisyon. Pero wala akong nararamdaman na katiting na pagsisi. I think it is a part of growing up o ito iyong way para maging mas matibay pa ang aming pagsasama.
Nanginginig ang mga kamay ko habang hindi mapakali na nakaupo sa labas ng delivery room. Tatlong oras ng nasa loob si Ella, bigla kasi itong nag-bleeding. Mabuti na lang ay naisugod ko agad siya rito sa ospital. Natawagan ko na rin si Mama at Papa para pumunta rito.
Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Inalala ko na lang ang una naming pagkikita.
“Joseph, I told you. Ayaw na ayaw ko sa mga taong late!” sikmat ko sa lalaking bagong dating.
Ang usapan namin ay alas nuwebe kami magkikita. Ayaw ko pa namang pinagtitinginan ng mga tao. Halos trenta minutos na akong naghihintay sa kanya rito sa coffee shop. Naubos ko na nga agad ang inorder ko.
“Sorry na po. Akala mo naman kung ilang oras akong na-late. Kuya, five minutes lang akong late. Five minutes!” natatawa niyang sabi habang pinagduldulan sa aking mukha ang dalawang palad niya.
“Wala akong pakialam. Sinayang mo nga ang five minutes ko,” pagalit na saad ko at humalukipkip.
“Excuse me… with po. Puwedeng magtanong kung anong oras na?” malumanay na sabi ng isang babaeng naka-uniporme.
“9:05 na miss,” narinig kong sagot ni Joseph matapos tingnan ang relo niya. Kumunot sandali ang noo ng babae pagkatapos ay ngumuso. “s**t! Five minutes na akong late. I hate late pa naman. Paupo muna rito mga kuya, ha?” sabi niya sabay upo.
Natulala naman ako sa kanya. Ang ganda niya kasi. Ang mukha niya ay hugis puso samantalang kulay tsokolate naman ang kanyang mga mata. Bihira lang ako makakita ng ganyan kagandang mga mata.
Napansin ata niya ang pagtitig ko kaya nilingon niya ako. Nagulat ako ng bigla itong ngumiti.
Bakit naman ito ngingiti sa akin? At ngayon nga ay natatawa na ang babaeng ito.
“Kuya… may chocolate po kayo sa pisngi mo,” hindi na siya nakatiis at nagsalita na.
Nakita ko namang natawa si Joseph. Itong batang ito talaga, hindi man lang sinabi na may dumi sa mukha ko. Mabilis ko naman itong pinunasan at napalingon sa bagong dating na babae.
“Ellana,” tawag ng babaeng kaharap ko.
“Uwi na tayo, Ate Ella. Hindi na tayo makakapasok sa event. Late na tayo!” nakasimagot na sabi ng bagong dating. Napansin kong magkamukha sila, pero ibang-iba ang awra nila sa isa’t-isa at ganoon din kung paano sila magsalita at gumalaw.
Sandaling nalungkot ang mukha ng babaeng nagngangalang Ella, pagkatapos ay ngumiti siyang muli. Napansin ko na ang masayang mukha na kanyang pinapakita sa lahat ay hindi totoo. Parang sinasabi ng isip at puso ko na kailangan niya ng taong masasandalan. Hindi dahil sa hindi na ito makakapunta sa naturang event. Kundi may mas malalim pa siyang pinagdadaanan.
Bigla namang tumibok ang aking puso. Mabilis… hindi katulad ng normal na t***k nito. Ibinaling ko ang aking tingin sa ibang lugar at bumalik na ito sa normal. Pero tuwing napapatingin ako kay Ella ay tumitibok ito ng mabilis.
May sakit na ba ako o ito ang tinatawag nilang pagmamahal. Pero papaano? At bakit sa kanya? Hindi ko naman siya kilala at baka nga ito na ang huli naming pagkikita.
“Salamat mga kuya, alis na kami,” pagpapaalam niya at sabay silang lumabas ng coffee shop.
Lumabas siya ng coffee shop, kasama ang puso ko. Napangiti ako. Hihintayin ko ang pagbabalik mo… kailangan mong isauli sa akin ang puso kong nabihag mo.
Bumalik ako sa kasalukuyan ng may lumabas na doctor sa delivery room. Ilang oras din pala ako natulala. Effective naman na pangpawala ng kaba.
“Kamusta po si Ella?” salubong kong tanong sa doctor.
Ngumiti ito bago nagsalita, “Okay na sila. Puwede ka nang pumasok para makita ang mag-ina mo.”
“At saka nga pala,” pigil niya sa akin, “It’s a girl.”
Naiiyak ako sa tuwa. Patakbong pumasok ako sa loob at ang bumungad agad sa akin, ay ang asawa ko na nakahiga habang hawak-hawak ang aming prinsesa.
“I love you Ella,” nakangiting turan ko at masuyo siyang hinalikan sa mga labi.
“Anong ipapangalan natin sa kanya?” pagtatanong niya sa akin. Hindi pa rin maialis ang mga mata sa napakagandang baby namin.
“Thea,” bigla na lang lumabas sa aking bibig. Lumingon na ito sa akin. Pinipigilang maluha, pero hindi maitago ang mga ngiti sa labi.
“Bagay na bagay sa kanya.”
“We love you baby Thea,” sabay naming sabi.
Thank you Lord. For giving me this girl whose carrying my child. The girl I will love forever. If there is one. Thank you. Just thank you for everything.
“I love you Ethan.”
“And me too, Ella. I truly loves you. Only you. And of course this angel of ours.”