Epilogue - Happy Life

471 Words
Epilogue NATUTUWA akong pagmasdan si Mama at Papa na naglalambingan habang naglalakad-lakad kami rito sa may dalampasigan. Papalubog na ang araw ng magyaya si Papa. Mapapansin na ang naghahalong kulay ng kalangitan. Napunta ang tingin ko kay Mama. Palaging sinasabi ni Mama na mahal niya raw si Papa. Hindi ko alam kung ano ito. Mas alam ko pa nga ata ang magsalita ng ingles kaysa sa pagmamahal na sinasabi nila. Pero gusto ko itong subukan. “Ngayon ko lang naalala. Mayroon ka pa lang gustong itanong noong araw ng kasal natin,” untag ni papa kay mama na nakatingin sa kalangitan. Nanlaki ang mga mata niya at hinampas ang dibdib ni Papa ng may maalala. “Ay! tama. Mabuti naman at naalala mo.” Natawa naman si Papa. Ang mga mata niya ay nagniningning habang nakatitig kay Mama. Hindi ako nagsasawang tingnan silang ganyan, mas natutuwa nga ako. Iyong mga magulang kasi ng kaibigan ko ay palaging nag-aaway. Napahagikhik naman ako ng hinahapit ni Papa papunta sa kanyang katawan si Mama. “Bakit nga kayo na-engage ni Ellana dati kung hindi mo siya mahal.” “Ah, si Mama kasi gusto na akong magpakasal kaya’t niyaya ko si Ellana pero tinanggihan niya ako,” pagku-kwento ni papa. “Bakit naman hindi siya pumayag?” biglang kumunot ang noo ni mama. Naguguluhan ata ito sa naging sagot sa kanya. “Hindi ko alam. Ayaw niyang sabihin sa akin. Sabi niya ay sabihin lang daw namin kay Mama at Papa na magpapakasal kami kahit hindi naman ganun ang mangyayari,” sabi ni papa na ngayon ay hinahaplos ang mahabang buhok ni mama na nlilipad ng hangin. “Siguro hindi rin ako minahal ni Ellana ng tuluyan.” “Ganoon ba?” Nahagip ng tingin ko ang isang puno ng bakawan na nasa likuran nilang dalawa. Tumatakbong lumapit ako sa kanilang dalawa. “Mama...” nakatingala kong tawag kay Mama, habang hila-hila ang laylayan ng kanyang damit. “Yes, Thea baby?” nakangiting tanong niya at ginulo ang buhok ko. “Ang dami pong butterflies,” sabi ko habang itinuturo ang lugar. Nakangiting nagkatinginan si Mama at Papa at nilingon ang aking itinuro. Napahawak sa aking kamay si Papa, na tinatanaw ang mga paruparo na lumilipad sa isang puno. Lahat sila ay kulay puti na magkakaiba ng laki. “I think it’s Ellana.” “Wishing us the best.” “I guess wishing us a happy life with our family. And with her in our memories,” marahang bulong ni Mama. Maya-maya ay parang natakot ito sa amin. Pinanood namin ang paglipad ng mga kulay puting paruparo papalayo sa puno. I can’t understand what they are talking about. Pero napangiti ako I guess love really makes people happy and alive. And I want to experience it. WAKAS
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD