PAKIRAMDAM ni Randolf ay para siyang nasa interrogation room dahil kaharap niya ngayon sina Ysabel at ang nanay nito. Nanlalamig na nakahawak siya sa kanyang tuhod habang nangunguyakoy. Hindi kasi siya mapakali. Nakangiwi lang siya habang nagpapalit-palit ang kanyang tingin sa mag-ina. "Hijo, aba, kay laki mo na at ang tangkad pa. Grabe, parang kailan lang, puwersahan ka pa kung dalhin dito ng anak kong si Ysa, ah? Parang siya ang lalaki noon, e." Basag ng nanay ni Ysabel sa katahimikan. "Ngayon, ikaw na ang kusang nagdala ng sarili mo dito." Dugtong pa nito. Natawa nang hapyaw ang binata. Those were the times na sapilitan siya kung hilahin ni Ysa sa kanila. Nakaka-miss. Sariwa pa iyon sa alaala niya. Klaro pa nga ang lahat sa memorya niya. Ang makulit at batang si Ysabel. Siya itong bad

