Rafael is drinking his favorite route beer habang nakade-kwatro sa sala. Napansin niya kasi kanina na umalis ang kakambal niya at hindi na siya magtataka kung saan ito nagpunta. Wala naman siyang ibinalik dito kundi ang isang tao lang at sigurado siya na si Ysabel iyon. Iniisip niya talaga na nandito na naman ang kakambal niya para kunin na naman sa kanya ang spot light. He crampled the empty tin can matapos niyang sunod sunod itong lagukin. Yupii yupi na ito nang ihagis niya sa pintuan. Saktong papasok no'n ang kakambal niyang si Randolf. Kauuwi lang nito. Mabuti na lang at nakailag siya kung hindi ay matatamaan talaga siya ng lata nang wala sa oras. Nag-init agad ang ulo ni Randolf dahil dito. "What the heck is wrong with you, Bro?" inis na sigaw niya. Doon lang napansin ni Rafael

