MGA ilang linggo na rin nang huling magkita sina Ysabel at Rafa. Hindi na malaman ni Ysa kung dapat ba na siya na ang pumunta sa mansiyon ng mga Mortelli para kumustahin ito pero iniisip niya na baka makaistorbo lang siya kapag nangyari iyon. Iniisip niya na baka nag-eensayo na ang binata at magiging balakid lang siya sa paghahanda nito. Umalis na ba siya? Nasa Manila na ba siya? Iyon ang mga tanong na naglalaro sa isip niya. Wala siyang ideya dahil kahit isang beses ay hindi man lang natawag sa kanya ang binata o puntahan man lang siya sa kanila. “Siguro, na-realize na no’n na hindi naman talaga totoo ang nararamdaman niya para sa ‘kin.” Nagsalita siya. Kasama niya ngayon si Therese. Madalang na lang din sila magkausap nitong kaibigan niya. May kung ano siguro itong nakain at biglang

