Naalimpungatan si Ysabel dahil sa sunod sunod na yugyog sa balikat niya gawa ng makulit niyang nanay. Umagang-umaga ay nangungulit ito. Napaisip tuloy siya kung anong kailangan nito at bigla na lang itong nanggigising. "Ysabel! Bumangon ka, bilisan mo!" Pagpupumilit nito sa dalaga niyang anak. Tinapik-tapik pa nito ang kanyang mukha para lang magising. "Hmmm," tanging sagot ni Ysa na antok na antok pa talaga. Tila hinihigop na magsara ang mga talukap niya sa mata. Ayaw pa ng mga itont magising. But her brain is already conscious. "Isa pa talaga, Ysabel, bubuhusan kita ng malamig na tubig dito!" singhal ng nanay niya dahilan para mapabalikwas siya ng bangon. Nagdabog siya. "Ma naman, e! Ano ba iyan at ang aga-aga, ginigising niyo na ako?" nagmamaktol na ani Ysa. Pipikit-pikit pa nga

