"DIYOS KO, YSABEL! WHAT HAVE YOU DONE TO YOUR HAIR?" Histerikal ang naging reaksiyon ng nanay ni Ysa nang makauwi ito mula sa parlor. Ang paalam kasi nito ay papabawasan niya lang ng kaunti ang buhok niya. Ngunit nang umuwi siya ay talaga namang ginimbal niya ang mundo ng nanay niya nang makita siyang hanggang leeg na lang ang buhok nito. It was a short bob hair style and it looks gorgeous on her. Pero hindi talaga sanay ang nanay niya na maiksi ang kanyang buhok at hindi ito alam na ang kaunting sinasabi ng anak niya ay aabutin ng leeg. Napangiwi si Ysa. "Wow, Ma. Napapabilib mo ako sa mga english mo, ah?" Nagawa niya pang pansinin ito. "Nabasa ko lang 'yon sa pocket book na binabasa ko. Teka, teka! H'wag mong iniiba ang usapan. Ililiko mo pa, e." Napakamot na lamang si Ysabel ng bato

