AS planned, hindi dahil gaya-gaya si Therese pero ewan niya ba, biglang gusto niya na lang magpagupit dahil inspired siya na kinausap siya ni Calvin at para hindi na siya agad nito makilala kapag sakali man na magkita sila ulit dalawa. Hiyang-hiya siya sa ginawa nito. Sa totoo lang ay hiyang-hiya siya sa pagkakadulas ng dila niya kanina. Sabihin ba naman niyang mas masarap si Calvin kesa sa Ice cream na kinakain niya, para siyang tinakasan ng bait. Iyon lang, he is just curious. Psh. Sigurado siya na jowa ni Calvin ang kasama nito kanina. Hindi siya puwedeng magkamali. Seeing how close they were awhile ago breaks her heart. "So, ano na nga iyon, Teresa?" Mataray na tanong ni Ysabel habang nasa tricycle sila. Nagawa lang nilang mag-commute dahil masyadong marami itong pinamili nilang dala

