HIYANG-HIYA si Rafael na inilayo ang sarili niya mula kay Ysa. Napakagat siya nang labi dahil sa kainosentehan nito. She is such a sweet thing. Mas lalo tuloy siyang nahuhulog dito. How can she be so clueless? This girl, really. "Masahin mo lang nang masahin. Kung gusto mo, ibuhos mo dyan ang sama ng loob mo. I guess, it would be so effective." Sa mga sinabing iyon ni Rafael ay inalalang mabuti ni Ysa ang mukha ng malditang si Sandy. Pinanggigilan niya ang dough na minamasa niya. Pingsusuntok pa nga niya ito at pinagkukurot. Natawa si Rafael. "Ysa, hindi masa ang ginagawa mo, e. Bugbog. H'wag mo namang bugbugin ang tinapay. Tayo ang kakain niyan. Paano kapag hindi 'yan sumarap?" "E, sabi mo kasi dito ko ibuhos ang nararamdaman ko. Sa galit ako sa Sandy na 'yon. Gusto ko siyang pagkukur

