TULALA si Ysabel habang naglalapat ng malinis na cotton sa sugatang labi ni Rafael. Matapos niya kasi kaninang lumabas mula sa kuwarto ng kababata niyang si Randolf ay tila nawala na siya sa sarili. Gayun pa man, agad na kinuha niya ang first aid kit saka niya pinasok si Rafael sa kuwarto nito, sa tulong na rin ng kasambahay doon ay nalaman niya agad ang kuwarto ng binata. Nandito na siya ngayon at kaharap si Rafael pero si Randolf pa rin ang iniisip niya. "Ouch! Dahan dahan naman, Ysa. Gusto mo ba talaga akong gamutin o hindi? Parang labag naman yata sa kalooban mo, e." Pagrereklamo ni Rafael sabay iwas niya ng kanyang mukha. Para tuloy hindi nakatulong ang panggagamot ni Ysa dahil mas lalo niya lang naramdaman ang kirot. "P-Pasensya ka na," humahangos na sagot nito. "I know you are

