PAKIRAMDAM ni Ysabel ay nasa interrogation room siya ngayon kasama sina Randolf at Rafael. Yes, you are reading it correctly. Talagang sinundo nila ito mula sa bake shop saka dinala sa mansiyon nila. Ni hindi nga alam ni Ysabel kung ano ang plano ng dalawang 'to kung bakit siya naririto. Ang alam niya lang, hindi mukhang maganda ang mga ekspresyon ng mga mukha ng mga binata. Pinagpapawisan siya ng malagkit habang nakaupo sa luxurious sofa set ng mga ito. "Bakit kasama mo na naman si Calvin, Ysabel?" sabay pa na tanong ng dalawa. Napaatras ang dalaga. "Ha? E bakit parang kailangan kong magpaliwanag sa inyong dalawa? Saka, teka teka nga. Bakit ganyan kayo makatingin sa 'kin? Para niyo naman akong lulunukin, e." "We 're jealous!" Sabay muli na sagot ng dalawa. Napangiwi na lang si Ysabel

