HINDI mapakali sina Rafael at sina Randolf nang matapos na sa pag-uusap ang daddy nila at si Ysabel. Patawa-tawa pa kasi ang dalawa kanina at baka kung ano na ang pinagkukuwentuhan ng mga ito. "Are you sure they did not speak anything bad about the two of us?" kunot noong tanong ni Rafael na aligaga sa upuan niya. Ang ending? Dalawa silang naghatid sa dalaga pauwi. Himala at hindi na sila nag-away pa. Hindi na sila nagbangayan na parang aso at pusa. "Ysa, bakit ka nakangiti?" Tanong ni Randolf habang nasa biyahe sila pauwi para ihatid ito. "Wala lang. Ang sarap lang sa pakiramdam na nakausap ko ang daddy niyo. I never expected in my entire life that I would be talking to a well known business man like your father." Tuwang tuwa pa ang dalaga habang nagkukwento. This day is memora

