SUNOD na ring nagsidatingan ang pamilya ni Ysabel kasama nina Don Ramon para bisitahin siya sa hospital. Mabuti na lang at wala siyang masyadong galos at hindi siya nasaktan at napuruhan. Hindi kakayanin ng nanay niya kung may mangyayaring masama sa kanya. Naabutan nilang natutulog si Rafael sa tabi nito. Hawak pa nito ang kamay ng dalaga at himbing na himbing sa pagtulog. "Ysabel, anak!" Bungad agad ng nanay niya nang makapasok sila sa loob. Ngumiti si Ysabel. "Ma." Sa tuwa ng nanay niya ay agad itong napayakap sa kanya. Hindi nito maipaliwanag ang sayang nararamdaman niya dahil nakita niyang nakangiti ang anak niya. Laking pasasalamat niya sa Diyos. Sinulyapan niya mula sa likoran ng nanay niya si Don Ramon. "Maraming salamat po, Don Ramon," wika niya habang nakangiti. Kung may

