UMALIS saglit si Boyeng para magbawas dahil tinagtawag na ito ng kalikasan. Tuloy, napilitan si Andy na magbantay mag-isa kay Ysabel. Sa totoo lang ay nakokonsensya siya dahil tinatago nila ito. Nakokonsensya siya dahil nasaktan ni Boyeng si Ysabel. Bagay na hindi niya sana gustong makita. Hindi naman siya ganoon kasama. Aminado siyang tambay siya but he has a good heart at kailan man, hindi siya nakapatay ng tao. Akala niya, tutulong lang siya sa pandurukot at hanggang doon na lang. Wala naman siyang ideya na isasama pa la siya hanggang dito. Napaluhod si Ysabel. Desperada na siyang makatakas para iligtas ang buhay niya. Kung hindi niya ito gagawin ngayon, baka bukas ay matagpuan na lang siyang nilalangaw at pinagpipiyestahan na ng uod. "P-Parang awa niyo na! P-Pakawalan niyo ako, p-

