Nag-aalala ang nanay ni Ysabel dahil ilang oras na ang nakalilipas, hindi niya pa rin nakikita ang anak niya dahil hindi ito nakabalik sa upuan nila. Patapos na ang party at hindi siya mapakali kaya patay-hiya na siyang lumapit kay Rafael. Kasalukuyan itong nakikipag-usap sa mga kaibigan ni Don Ramon pero kailangan na niya talaga itong makausap. "Ah, mawalang galang na po. Puwede ba kitang makausap, Rafael?" magalang na tanong niya. Nanlalamig ang kamay niya. Siya na lang kasi ngayon ang naiwan dahil hinihintay niya na bumalik si Ysa. Nauna nang umuwi ang Ate Ycee at Kuya Yvan nito. "Tita! Bakit po?" Hindi mapakali ang nanay ni Ysabel. "E, k-kasi si Ysabel hindi pa bumabalik hanggang ngayon. A-Akala ko nga ay kakausapin ka niya." "H-Ho? P-Pasensya na po kayo. Na-busy ho kasi ako,

