Napangisi si Sandy na mala-demonyita. Hindi niya inaasahan na palay na mismo ang lalapit sa kanya ngayon. Hindi man lang siya pinagpawisan. Walang ka-thrill thrill para sa kanya. "Kung sinuswerte ka nga naman, oo. Talagang ikaw na ang naghihintay dito." She uttered. Bahagyang nagulohan si Ysabel. Pero nakaramdam siya ng takot. Makita niya pa lang ang mga naglalakihang mga armadong lalaki na nakapalibot sa kanya ay halos mangatog na agad ang tuhod niya. "S-Sandy, anong ginagawa mo? Hindi kita maintindihan." Inirapan siya ni Sandy. "Hindi mo naman na kailangang intindihin pa, b*tch. Nag-aaksaya ka lang ng laway at boses. Kung ako sa 'yo, save it for later when you beg for your life." Doon na mas lalong kinabahan si Ysabel. Her mind is telling her to shout for a help pero walang luma

