NAGPASYA na lamang si Ysa na tanggapin ang 'sorry' ng kababata niyang si Randolf. May magagawa pa ba siya? Wala. Wala na rin naman siyang magagawa kung sa ganoong paraan lang gustong ipabatid sa kanya ng binata na hindi sila puwede. At wala siyang ibang dapat na gawin kundi ang tanggapin na lang iyon. Habang papauwi ay wala siyang nagawa kundi ang sipain ang mga bato na madaanan niya. She's bored, and also broke. Mapait na lang siyang napapangiti habang inaalala niya ang memories nila ni Randolf noong mga bata pa lamang sila. Crush na crush niya ito noon, e. Nakakalungkot lang, she waited for too long. Ni hindi na nga siya nagka-jowa kahihintay dito. But look at her now, slowly falling apart. Akala niya, after magbalik ni Randolf ay ang unti-unti nang pag-usbong ng pag-ibig na sabik na

