Balisa at hindi mapakali. Iyon ang nararamdaman ngayon ni Damien habang nakatayo siya at hinihintay na bumukas ang pintoan ng simbahan, at pumasok roon ang babaeng pinakamamahal niya. Ngayon ang araw ng kanilang kasal, at ginaganap ito ngayon sa Baguio, Cathedral. Ang lugar kung saan sila unang nagkakilala ni Trina. Kaya naman nag-desisyon silang dalawa na dito na lang ganapin ang kanilang kasal. At dito na rin sila magho-honeymoon. Napabaling si Damien sa katabi niya nang sikuhin siya nito. Ang Kuya Andrew niya iyon, ang katabi nito ay ang nagsusungit na si Drix. Nagtatampo kasi si Drix dahil si Andrew ang kinuha niyang bestman. Ayaw kasi nitong papatalo sa isa. Kaya heto siya ngayon, hindi maipinta ang mukha. "Kinakabahan ka no?" tanong sa kaniya ng kuya niya. "At sino naman ang hind
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


