Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon ay nasa kabuwanan na ng pagbubuntis si Trina. Sa loob ng maraming buwan ay walang palya sa pagsama sa kaniya si Damien sa mga check-ups niya. Syempre naroon pa rin ang pagiging o.a nito kaya minsan parang ayaw na lang niyang isama, pero dahil sa makulit talaga ang asawa niya ay wala siyang magagawa kundi ang hayaan na lang ito. Isang beses pa ay muntikan na nitong masuntok ang lalaking nurse na umalalay lang sa kaniya nang araw na nagpa-check-up sila. "Huwag mong hahawakan ang asawa ko!" madilim ang anyo nitong sabi sa natigilang nurse. "S-Sir, tutulungan ko lang po siyang pumasok sa loob—" "Ah, ayaw ko! Basta mo huwag mo siyang hawakan dahil akin siya!" halos lumabas na ang ugat sa leeg nito habang nakapamewang na pinapagalitan ang kawawang nu

