"Okay ka lang ba, Damien?" tanong na nagpabalik sa huwisyo ni Damien. Kinurap-kurap niya ang mga mata dahil parang may mga alitaptap siyang nakikita sa paligid. Napangiti pa siya ng wala sa sarili. "W-wow magic!" wala sa loob na usal niya. "Anong magic ka d'yan? Hoy, gumising ka, Damien!" Sa pagkakataon na iyon ay boses na ng ama niya ang kaniyang narinig. Napa-upo siya ng tuwid at patuloy pa rin sa pagdilat-pikit dahil nasa paligid talaga ang mga alitaptap at lumilipad. "Here," napatingin siya ulit sa nagsalita. Si Trina iyon na may hawak na bottled water. Inilapit nito sa bibig niya ang bote. "Drink it nang sa gano'n ay mahimasmasan ka." Kaagad naman niyang ininom ang tubig. At doon ay nag-umpisa nang um-okay ang pakiramdam niya at paningin. "Okay ka na?" tanong ni Trina. Wala sa l

