Magmula nang dumating siya galing ng America ay wala na siyang ibang ginawa kundi ang magkulong at magmukmok sa loob ng unit ni Trina. Pinili niyang dito tumuloy at hindi niya rin alam kung bakit. Siguro dahil malapit iyon sa bahay ni Damien. Anak ng taong kinamumuhian niya. Andrew was sitting on the bench at the balcony while drinking a beer in a can. He wanted to visit Limuel but he didn't know how. Hanggang ngayon ay abot-abot pa rin niya ang kaba dahil sa nangyari sa matanda. Alam niya sa sarili na hindi niya mapapatawad ang sarili kung may mangyaring hindi maganda rito. Nang malaman niyang na-Hospital si Limuel ay noon na lamang siya nahimasmasan. Halos matumba siya at manlamig. Naging mabuti itong ama sa kaniya at mukhang hindi kakayanin ng konsensya niya kapag ito'y napuruhan. "Th

