Apat silang nakaupo na magkakaharap. Walang gustong magsalita at tahimik lamang na pinapakiramdaman ang bawat isa. Until Elizabeth broke the silence. "So, magtitinginan na lang ba tayo rito? Come on guys, spill the tea." untag sa kanila ng ginang. Napatikhim naman si Daniel, nasundan naman iyon ni Damien na napaubo naman. Si Andrew ay napakislot lang sa kinauupuan at masungit ang mukha nito. Samantalang si Elizabeth ay bored na tiningnan sila isa-isa. Tumikhim si Daniel kaya napatingin sa kaniya ang tatlo. "S-so you are my son? I mean, anak ka ni Carla?" wika ni Daniel kay Andrew. Halatang kabado bente ito. Diretsong tingin ang ipinukol ni Andrew kay Daniel. Matapang at puno ng pag-uuyam ang tingin na ibinigay niya rito. Kapagkuwan ay ngumisi si Andrew. "Yes. Anak ako ng babaeng mat

