Sa mansion ng mga Greyson dinala ni Amanda si Damien. Sinadya iyon ng dalaga dahil gusto niyang makapasok sa mansion upang magpa-impress sa mga magulang ng lasing na binata. Tagumpay siyang napangiti dahil walang pag-aalinlangan siyang pinagbuksan ng sekyu na naka-duty roon nang makita ng mga ito kung sino ang kasama niya. Alam niyang hindi siya basta-basta makakapasok roon maliban lamang kung kasama niya si Damien. Pagkakataon na niya ito upang magpa-impress sa mga magulang ng binata. She will make sure na magugustuhan siya ng mga ito para kay Damien. Siya ang bagay kay Damien at hindi ang babaeng iyon na kasado na at may anak pa! Napangisi si Amanda sa naisip. Siya lang naman ang tumawag kay Andrew Sebastian nakaraang araw upang sabihin rito ang tungkol sa paglalandi ng asawa nito. Siya

