Nang makalabas si Trina sa Library ni Andrew ay sunod-sunod na pinagsusuntok ni Andrew ang lamesa. Lumabas ang masaganang dugo sa kamao niya ngunit hindi niya iyon binigyang pansin. Hindi pa nga siya nakontento. Pinaghahagis niya ang lahat ng mga gamit na nakapatong sa ibabaw ng lamesa at muli iyong pinagsusuntok. "f**k this life!" Inisang balibag ni Andrew ang lamesa at tumaob iyon sa sahig. Hanggang ngayon ay umiikot pa rin sa isipan niya ang sinabi ng asawa niya. Hindi na ikaw iyan… "Talagang hindi na! Dahil ang Andrew na nakilala niyo no'n ay matagal ng patay!" nanghihinang napaupo sa sahig si Andrew. Napayuko siya at naihilamos sa mukha ang duguan niyang kamay. Pagod na siya. Pagod na siya sa buhay na ganito. Gusto lang naman niyang maging masaya noon kasama ang ina ngunit tinang

