Matapos malaman ni Damien ang tungkol sa pekeng kasal nina Trina at Andrew, at ang tungkol sa pagkakaroon niya ng kapatid sa labas ay nanatili siya sa condo buong araw. Malalim na nag-isip kung ano ang una niyang gagawin matapos ang rebelasyong natuklasan. Kasama niya ang mga bote ng beer habang nakaupo siya sa balkon ng kaniyang unit at ang tingin ay sa katabing bahay. Sa unit ni Trina. Habang nakatitig siya roon ay naaalala niya ang mainit na tagpo na pinagsaluhan nila ng dalaga sa balkon na iyon. Napangiti siya. Hindi naman pala totoo ang kasal ni Trina kaya may pagkakataon siyang bawiin ito kay Andrew. Ang lalaking ni minsan ay hindi niya inisip na kapatid pala niya. Na hindi siya nag-iisang anak dahil may nauna pa palang ipinanganak sa kaniya at iyon ay si Andrew, ang kuya niya. "Ku

