Sa mansion ng mag-asawang Greyson ay masayang nag-uusap sina Elizabeth at Daniel sa malapad na sala. Makikita ang pagmamahal sa bawat sulyap ng mga ito sa isa't isa habang umiinom sila ng wine. Kahit na may edad na sila pareho ay naroon pa rin ang pagiging sweet nila sa isa't isa. Kontento na sila sa buhay at wala nang hihilingin pa. Ngunit ang masayang pag-uusap ng dalawa ay natigil nang dumating ang nag-iisang anak na si Damien. Mugto ang mga mata nito at halatang naka-inom. "Son? Are you okay? Bakit ka na naman naglasing? Baka mamaya ma-tyempuhan ka na naman ng Amanda na iyon," kaagad na wika ni Elizabeth sa anak. Nilapitan nito si Damien na nakatayo lamang at mukhang walang balak na umupo. Inakay nito si Damien at nagpatangay naman ang huli. Naupo sila sa mahabang sofa kasama si Danie

