"Hindi ko po ipipilit kung ayaw n'yong pumunta sa kasal namin ni Kate, pero kung makakapunta po kayo tatanawin kong utang na loob sa inyo. Kahit man lang sana sa kasal ng nag-iisa n'yong apo ituring n'yo s'yang pamilya. Hindi po kasalanan ng asawa ko kung ginusto ng parents n'yang mabuo s'ya at mabuhay dito sa mundo. They risk their life para lang iligtas ang anak nila, maaring experiment baby lang si Katelyn pero galing pa rin s'ya sa anak n'yo at asawa n'ya. Lehitimong Labrador pa rin s'ya at sa ayaw at sa gusto n'yo." wika ni Dale na hindi napigilan ang mapaluha saka tumayo mula sa pag kakaluhod sa harapan ng dalawang matanda. Hindi n'ya kailangan lumuhod sa lolo at lola ni Katelyn pero ginagawa n'ya para sa asawa n'ya na walang alam sa ginawa n'yang pagpunta sa bahay ng pamilya nito

