"Gusto mo na ba kaming bumalik sa probinsya? Sabihin mo lang kung gusto mo kaming manatili dito?" tanong naman ng lola Anita n'ya ng isama nila ito sa bahay nila. Agad na na dismiss ang kaso na isinampa ng lola Lucille n'ya dahil walang sapat na ebidensyang nag papatunay na may pinatay na tao ang mga ito. Buti na lang magaling din ang nakuhang abogadong nakuha ni Dale dahil nagawang lusutan ang naging pag tatago ng dalawang matanda dahil sa nangyari sa pamilya nito na nagawang ikonekta sa notorious na serial killer na ama-amahan ni Athena. Nag eskandalo pa ang lola n'ya sa korte at isinumpa pa s'ya bilang apo dahil sa hindi daw n'ya pag bibigay ng katarungan para sa kamatayan ng magulang n'ya. "Hindi dito ang buhay n'yo sa City, baka sisihin n'yo pa ako kapag namuti kayo." biro ni Kate s

