"Baka naman hindi na ako libugan kung babalakin n'yo ako mag donate ng 1liter of blood sa loob ng 1 buwan nag papatawa ba kayo? Imposible yang gusto n'yong mangyari. Mabubuhay n'yo si Katelyn e paano naman ako mga animal kayo?" bulalas ni Abby habang kaharapa sina Athena, Dale at Ivan. "Alam naman namin na risky at napaka delikado ng hinihingi namin pabor sa'yo pero ikaw na lang ang natitirang pag-asa ni Kate." ani Ivan. "Alam ko, malinaw naman sa akin yun pero ipapaalala ko lang sa inyo may mga anak ako, at 500ml lang ang allowed blood donation ng isang tao sa kada 3 buwan, kayo 1liter ang hinihingi n'yo sa akin sa loob ng 1 buwan bakit kaya 'di n'yo lang ako tigukin." wika pa ni Abby. "Yung kasi ang certain amount na kailangan ni Kate para malaman namin kung kakayanin ba at kung puwed

