Year past..... "Pagod na ako kabubuhat ginagawa n'yo na akong kargador dito e," reklamo ni Akira ng ibaba ang isang sako ng palay mula sa likod ng isang paragos na hila ng isang kalabaw na sinasakyan ng isang matandang lalaki. "Malaya ka naman umalis kung na hihirapan ka na sa trabahong bukid, puro ka reklamo ayaw mo naman umalis." "Paano ga ako aalis? Saan ga ako pupunta e kayo lang ang pamilya ko." nakasimangot na wika ni Akira na habang ibinababa pa ang ilan pang sako ng palay na natitira sa paragos. "Kung binibigayan ko kasi sana ako ng pera edi sana matagal na sana akong nasa Manila ngayon at namamasukan ng maayos na trabaho. Kaso paano naman ako aalis wala akong pera kahit isang sinkong butas, tumanda na lang ako ng ganito na puro pag tatalok at pag gagapas ng palay ang alam." "

