Tumawid ng EDSA tungo sa Buendia Ave. ang van nila Miguel. Nang huminto ito sa convenience store ng gasolinahan ay pumarda din doon ang pick-up truck. At nang magbabaan ang grupo nila Miguel, ay bumaba din ang driver ng pick-up, isang naka-leather jacket na 50-something na lalaki.
Sa loob ng convenience store, ang grupo nina Miguel na anim na kalalakihan ay nagsipagkuhanan ng alak sa freezer, at mga chips. Pawang nasa 18-25 years old ang edaran nila, maliban sa obvious na leader nila--isang 30-something na skinhead na maraming mga tattoo.
Hindi nila napansin nang pumasok din sa loob ang 50-something na lalaking naka-leather jacket, na dumiretso sa freezer at kumuha ng Coke in can habang pasimpleng pinagmamasdan ang grupo nila Miguel na ngayon ay nagbabayad na sa counter. Pumila ito sa likod ng grupo at kanyang mine-mental note ang nakikitang mga tattoo ng mga lalaki. Mga simbolong kakaiba--ahas, bungo at pentagram.
"Anything else, sir?"
Napatingin ang 50-something na lalaki sa clerk. Pansamantala siyang na-distract dahil sinusundan niya ng tingin ang grupo nila Miguel na palabas ng convenience store.
"N-no," sagot niya at binayaran ang can ng Coke.
"I-paper bag pa natin, sir?" magalang na tanong ng babaeng clerk.
"O-okay na 'yan," mabilis na sagot ng 50-something na lalaki.
Nang masuklian ay nagmamadali siyang lumabas pagka't nagsakayan na sa itim na Ford van sina Miguel at agad din siyang sumakay sa kanyang pick-up truck para sundan uli ang mga ito. Walang kamalay-malay ang grupo nila Miguel na sila'y minamataan at hindi rin nila pansin na nang makarating sila sa kanilang pupuntahan, ay kasunod din ang pick-up truck.
Sa area ng Bangkal ang tinunton ng itim na van. Tinandaan ng 50-something na lalaki nang maigi ang mga kalsadang kanilang dinaanan: Dian...Faraday...Rockefeller...mga kalsada na ipinangalan sa mga heneral, hanggang sa kahuli-hulihan, ang kalye na may mahabang pader. Pumarda ang van nila Miguel sa curb at sa tapat ng nabubulok na bakal na pulang gate. Isa sa kasamahan ni Miguel ang bumaba at binuksan ang gate para makapasok ang van, at nang mawala sa loob ang van ay muling sumara ang gate.
Mga apat na kotse ang layo naman ang pinaradahan ng pick-up truck, at sa lilim pa ng isang puno. Bumaba ang 50-something na lalaki, kumuha ng sigarilyo sa bulsa ng kanyang leather jacket, nagsindi at pinagmasdan ang kapaligiran. Hindi niya kita ang kabila ng pader, ng gate na pinasukan ng van. Ang loob ay maraming puno at hindi niya maaninag kung anong meron doon.
Lumapit ang 50-something na lalaki sa gate at sumilip sa manipis na awang ng bakal at simento. Bahagya lamang niyang maaninag ang loob, nguni't may nakita siyang bahay kung saan nakaparada sa tapat nito ang van.
Humakbang palayo ang lalaki habang pinagmamasdan pa ang lugar. Saglit siyang na-distract nang may dumaang delivery truck ng gasul. Maya-maya'y may kinuha siya sa bulsa ng kanyang jacket, isang maliit na notebook at gamit ang lapis na nakasuksok sa spiral binding nito ay isinulat ang numero ng gate.
Bumuga siya ng makapal na usok bago itinapon ang upos ng sigarilyo. Binigyan niya ng mahabang tingin ang gate bago naglakad pabalik ng kanyang pick-up truck. Kasasakay pa lamang niya nang mag-ring ang kanyang cellphone.
"Hello," sagot ng 50-something na lalaki. At ang boses ng tumawag ay wala iba kundi si: "Yes, Mr. Villaromano?"
#
Hindi lamang sina Jules, Hannah, at Father Markus ang hinire ni Don Carlos Villaromano para tumulong sa kalagayan ng anak niyang si Miguel. Nag-hire din siya ng isang private detective o private investigator na nagngangalang Andy Madrid, isang batikang P.I. sa kanyang 50s. Ang lalaking nagmamay-ari ng blue na pick-up truck.
Specialty ni Andy Madrid ang missing persons. Marami na siyang na-solve na mga kaso ng mga nawawalang tao. Mga kinidnap. Mga naglayas. Mga nagtago, dito, ayon sa kanya, karamihan ay mga taong gustong takasan ang kanilang mga asawa. May natural na kakayahan ang gurang na P.I. sa kanyang larangan. 75% ng mga kaso niya ay kanyang nalulutas. Ikanga, malakas ang pang-amoy niya. Kahit sa kasuluk-sulukan ng Pinas, taga mo sa bato, matutunton ni Andy.
"Anong pangalan niya?" tanong ng private investigator.
"His name's Miguel," sagot ng don.
Noong isang linggo sila nagkita upang mag-usap. Sa bar ng isang hotel sa Makati. Magkatapat sila ng upo at umorder ang don ng bote ng Johnnie Walker Blue Label dahil alam niyang whiskey drinker ang private investigator, kasama na din ng pagpapasikat. 8PM ng gabi at kalahating puno sa loob, karamihan ay mga foreigners. May magandang babaeng lounge singer ang kumakanta ng jazz at sinasabayan ng piano player.
"I want you to find out kung saan sila nagpupunta ng grupo niya," patuloy ni Don Carlos, at kanyang inabot ang isang litrato kay Andy.
Tinignan ni Andy ang litrato tapos ay sinilid ito sa bulsa ng kanyang leather jacket. Kinuha niyang bote ng Johnnie Walker at tinagayan ang sarili at uminom.
"Itong grupo niya..." umpisa ni Andy.
"Some sort of cult," mabilis na sabi ng don.
"Kulto?"
"Bunch of Satanists," sabi ni Don Carlos habang uminom ng whiskey. "May weird tattoos sila sa katawan..."
"Nakausap mo na ang mga kasamahan ni Miguel?" tanong ni Andy.
"N-no, nakita ko lang sila sa street from the house. Dinadaanan nila si Miguel and convoy sila na umaalis," inform ng don.
"So, nag-d-drive si Miguel paalis?"
"Y-yes," sagot ni Don Carlos.
"Anong klaseng mga tattoo ito?" tanong pa ng private investigator.
"I...I don't know. Symbols. Pentagrams. Crosses," sabi ng don, nairita na maraming tanong ang kausap. "Hindi ba't it's your job to find out?"
Naramdaman ni Andy ang pagka-short-fused ng mayamang kliyente.
"Look, Mr. Villaromano," diin ni Andy. "Hindi ko naman sinabi na padaliin mong trabaho ko, pero, kailangan ko din ng lead para mabilis nating malutas ito."
Kumalma ang don.
"I...I'm sorry, Mr. Madrid," mahina niyang sabi, alam niyang tama ang private investigator. "It's just...alam mo na, it's just too stressing."
"Yes, I know," tango ni Andy, at bumuwelo muna bago nagtanong uli. "Yung sinasabi mong mga tattoo...nakita mo ba ito sa anak mo?"
Napasandal ang don. Ngayon lang din niya na-realize ito. Kung kasama nga si Miguel sa grupo, malaki ang posibilidad na nagtataglay din siya ng mga nasabing tattoo. Nguini't matagal na din silang hindi nag-uusap ni Miguel kung kaya't inaalala niyang mabuti kung may nakita nga siya sa katawan ng binata. Inexplain niya ito kay Andy.
"Tandaan mong mabuti, Mr. Villaromano," hikayat ng private investigator.
"I think..." pag-aalala ng don. "Y...yes...parang may nakita akong tattoo sa leeg niya."
"At?"
Nag-isip pang mabuti ang don. Alam niyang may nakita siyang tattoo once sa leeg ng anak noong medyo maiksi pa ang buhok nito. Nang humaba na buhok ni Miguel ay natakpan ang tattoo kung kaya't wala na siyang recall. Napailing siya.
"I...I can't remember right now."
Nagbuntong-hininga si Andy at nag-shot uli ng whiskey, "Well, 'pag natandaan mo na lang."
Tumango ang don at tinagayan ang sarili. Tumunog ang i-phone niya at kanyang binasa ang text message.
"It's my wife," inform ng don. "I need to go soon...and about your fee..."
"I'll send you a bill," sabi ni Andy.
"Okay," sabi ni Don Carlos, hindi niya pinoproblema ang bayad. "Anything else you need from me?"
Napaisip si Andy, may plano na siya in mind.
"Okay, itong gagawin natin, sir," diretso niyang sabi. "'Wag mong pagdrive-in si Miguel. Hayaan mong sunduin siya ng mga kasamahan niya, para sigurado na isa lang ang susundan ko. Anong klaseng sasakyan ba ang dala nung mga kasama niya?"
"It's a black Ford van."
Kinuha ni Andy ang maliit niyang notebook mula sa bulsa at gamit ang lapis ay may mga sinulat. Kinuha niya ang address ng don at binigay ang plate number ng blue niyang pick-up truck, at bilinan daw ang mga guards ng Forbes Park na darating siya. Alam ng don ang araw at oras na usually umaalis ni Miguel at sinabi niya ito sa private investigator. Nang areglado na ang lahat ay nagkamay sila at tumayo ang don para umalis.
"Don Villaromano," pahabol ni Andy.
Natigilan ang don, ina-anticipate niya na may importante pang sasabihin ang private investigator, at lumingon pabalik.
"Yes?"
"Paano ito?" turo ni Andy sa bote ng Johnny Walker.
Napataas ng kilay ang don, akala nya'y kung ano na. Hindi pa nangangalahati ang bote ng alak.
"Take it. Bayad na 'yan," tugon ng don bago tuluyang umalis.
Napangiti si Andy.
#
Isang linggo na ang lumipas nang sila ay mag-usap sa bar ng hotel. At ayon sa plinano nila ay sinundan nga ni Andy ang black na Ford van nila Miguel at dinala siya sa kasalukuyang kinalalagyan niya ngayon. Isang kalye sa may Bangkal. Sa isang mahabang pader na may pulang gate kung saan pumasok ang van. At matapos ispatin ang lugar at paalis na'y tumawag si Don Carlos.
"Yes, Mr. Villaromano?" sagot ni Andy.
"Mr. Madrid," sabi ng don sa kabilang linya. "Anong balita? Nasundan mo sila?"
"Yes, sir," inform ni Andy. "Under surveillance ko na kung nasaan sila ngayon."
"Good," sagot ng don. He knew well enough na i-pressure ang batikang private investigator, kaya't kuntento na siya sa nalaman. Kampante din naman siya sa kakayahan nito. At may iba pa siyang dahilan sa pagtawag. "Mr. Madrid, kung willing ka, I have another job for you. Medyo mahihirapan ka, pero I'll make it your while."
Napataas kilay ni Andy, na-intrigue siya.
"Konektado ba ito sa pinagagawa n'yo ngayon?"
May konting hesitation si Don Carlos bago sumagot ng: "Yes."
Sinabi ng don ang detalye ng bago niyang ipagagawa at napasandal ang private investigator sa nalaman. Nang matapos silang mag-usap at naibaba na niya ang telepono, ay ilang minuto pang natunganga si Andy. Pagkatapos, ay may inabot siya mula sa backseat ng pick-up--isang camera na may mahabang lente at kanyang ni-ready, at ipinatong sa tabing upuan. Ibinaba niya nang bahagya ang car seat at sumandal. Tanaw niya ang gate at nagsimula siyang maghintay sa muling paglabas ng grupo ni Manuel.
Makaraan ang ilang oras kung saan ilang beses na naka-idlip si Andy, ay narinig niyang bumukas ang bakal na gate. Sa dashboard clock ng pick-up ay alas singko na ng hapon at mababa na ang araw. Kinuha ng private investigator ang kanyang camera at kinunan ng litrato ang nagbukas ng gate--isang lalaki na naka-t-shirt lamang kaya't nahuli ng lente ang mga marka nito sa katawan--mga tattoo na sinasabi ni Don Carlos. Nang lumabas ang van ay kinunan din niya ito ng litrato, kasama na ang plate number. Patuloy ang click ng camera hanggang sa naisara na muli ang gate at umandar paalis ang van.
Ini-start ni Andy ang kanyang sasakyan at sinundan muli ito.