Kinabukasan ng alas otso ng umaga ay nagbalik sa mansion sina Jules, Hannah at Father Markus matapos makapagpahinga muna ng ilang oras at para na rin kunin ang kanilang mga kagamitan at makapag-set up sa basement kung saan gaganapin ang double exorcism. Inalis nilang kama sa kuwarto doon at pinalitan ng dalawang metal chairs na magkatabi kung saan nila pinaupo at pinosas sa armest sina Miguel at Lucas. Tinulrilyo nila ang mga upuan sa sahig para siguradong hindi gagalaw. "Are they too tight?" tanong ni Don Carlos. "Baka nasasaktan kayo." "It's okay, Dad," sabi ni Miguel, tumango rin si Lucas. "Dad?" "Yes, Lucas?" "Gagaling pa kaya kami?" Hindi agad nakasagot si Don Carlos. Pinatong niyang mga kamay sa balikat ng dalawang anak. "Have faith the two of you," sabi niya. "Have faith." "

