Kinagabihan ay nahirapan akong makatulog. Hanggang ngayon kasi ay pilit na inaalala ko pa rin ang mga nangyari kanina. Pero sa tuwing sinusubukan ko itong gawin ay nananakit lang ang ulo ko. Bigla akong napahawak sa mga labi ko. Ang isa pa sa dahilan kung bakit mulat na mulat pa rin ako hanggang ngayon ay dahil tila nararamdaman ko pa rin ang malalambot niyang mga labi na nakalapat sa ’kin. Para tuloy akong naiihi na hindi ko maintindihan. Ipinilig ko ang ulo at malalim na napabuntonghininga. Maigi siguro na magtimpla at uminom na lang ako ng mainit na gatas. Hindi ko rin kasi mawari kung bakit nananakit ang buong katawan ko at tila pagod na pagod ito. Halos maghapon lang tuloy akong nakahiga. Sa paglabas ko ng pinto ay inaasahan kong maabutan na nakabantay roon si Caleb. Pero sa pagtat

