[3]
Pagkatapos ng ilang inspiring quotes na lumabas sa lips ko ay sa wakas she's done crying na! Akala ko ay mauubusan na 'ko ng words of wisdom bago ko siya mapatahan. Inabutan ko siya ng tender care baby powder.
"Oh heto, Amega, mag-powder ka nga. Baka mamaya makapagprito ng egg d'yan sa face mo si Dennis at lalo kang ipagpalit sa singkit," sabi ko at nakasimangot niya itong kinuha. Ininom ko ang lemon juice ko sa glass. Feeling ko tuloy ay ako ang na-dehydrate sa pag-iyak ni Amega.
"Saan ka nga pala tumutuloy ngayon, Amega?" tanong niya sa akin. Ibinaba ko ang baso ko sa ibabaw ng lamesa.
"Sa condo ni Auntie. Malapit lang sa resto kaya hindi hassle ang byahe. Pasyalan mo naman ako minsan para makapagluto tayo nung favourite nating fried rice."
"Ikaw talaga nagpunta ka na ng Canada, wala pa ring pagbabago 'yang pagkahumaling mo sa kanin. Pahingi ako ng address at nang ma-stress kita sa biglaan kong pagpunta,"
"Sisiguraduhin kong ready lahat ng ingredients para anytime na sumugod ka ay handa ang kitchen ko!" sagot ko. Kumuha ako ng sticky note sa bag ko at isinulat ang address ng condo.
Nang iabot ko ito sa kanya, biglang napakunot ang kanyang noo.
"Bakit naman ganyan ang face mo, Amega? Malayo ba masyado sa place mo?" tanong ko. Baka kasi hindi convenient sa kanya ang magpunta.
"HIndi. Malapit nga lang 'to. Parang familiar lang ang address sa 'kin."
"Really?? Naku excited na 'ko, Amega! Namiss ko rin 'yong madalas mong iluto para sa akin,"
"Para kasing nanggaling na 'ko dito." sabi niya habang nakatitig pa rin sa address. "Pero baka napadaan lang ako dati. Hayaan na nga. Basta one of these days dadaanan kita."
Sa kalagiitnaan ng pagkukwentuhan namin ni Amega Roxanne, biglang bumukas ang door at inilluwa nito ang humahangos na si Dennis Wang. Aba tama nga yata si Amega. Nag-matured ang pasaway niyang boyfriend!
Imbes na kausapin niya ang namamagang matang si Amega, natulala siya sa kinaroroonan ko na parang nakakita siya ng multo.
"C-Cinderela Maglangit Wagas?!"
Napahawak ako sa aking dalawang tenga. Gano'n din si Amega. Aba sira ulo yata 'tong Dennis na 'to at balak pang basagin ang eardrums namin!
"Grabi ka naman maka-shout Dennis! Deaf lang ang peg namin? Muntik mo ng ma-broke ang glass ng aming ears," pagrereklamo ko habang tinatantya ang pandinig ko kung nabingi ba.
"Bakit nandito ka?! Kelan ka pa dumating??" gulat na gulat niyang tanong. "Matagal mo na ba 'tong alam, Love? Bakit 'di mo man lang sinabi sa 'kin??"
"Tigilan mo ako, Dennis. Ngayon lang din kami nagkita. At isa pa 'wag kang umasta d'yan na wala kang atraso sa akin kaya mabuti pa umalis ka na,"
"Amega mukang sinusundo ka naman ng bf mo uy. Sumama ka na 'wag ng pakipot at mag-inarti," sabi ko dahil wala yata talaga siyang balak sumabay kay Dennis.
"Oo nga, Love. Sinearch ko pa GPS ng cellphone mo until I finally found you here. Galing pa kaya akong meeting sa Batangas." pangongonsensya pa nito.
Nagpaalam siya para kunin ang kanyang sasakyan sa kabilang parking. Lumabas kami ni Amega ng mall nang magsabing nasa tapat na raw ang boyfriend niya. O diba may forever sa dalawang 'to? Papalapit palang kami sa exit ay nakikita ko na ang Dennis Wang. Ang swerte ni Amega sa intsik na ito. Hindi lang gwapo, mabait, at maginoo pa. I would be one of the happiest people on earth kapag sila ay kinasal.
Nakasimangot si Amega na sinalubong ang uyab (jowa) niya. Ay sus ito talagang si Roxanne pa-hard-to-get na rin? Pero sa isang hug lang naman nitong si Dennis ay parang maamong tupa si Amega. Haaay. Iba talaga ang nagagawa ng love. Edi sila na swerte sa isa't isa!
"Hoy Cinderella! Long time no see talaga! I stil can't believe you're here." ang loko hinampas pa 'ko sa balikat. Feeling close. "Alam ba ni Jasper na nandito ka na?" dagdag niya pang tanong. Parang biglang tumahimik ang buong paligid ko. May mga kuliglig pa nga yata akong narinig.
Umiling ako. Bakit pa? Kailangan pa ba niyang malaman?
Binatukan ni Amega si Dennis saka hinila pasakay sa kotse nito.
"Huy Amega! Magkikita tayo sa susunod ha? Tatawagan kita!" Sigaw ni Roxanne mula sa sasakyan bago niya sapilitang pinagmaneho si Dennis.
Bumalik ako sandali sa restaurant at nang nagdilim na ay napagpasyahan ko na ring umuwi. Natapos ko na rin naman lahat ng dapat kong gawin sa office. Nag-drive muna ako papuntang grocery at bumili ng mga kailangan ko. Pagkatapos ay saka ako dumiretso pauwi. Nang nasa parking na ako ay may iisang bakanteng space na lang kaso 'di ako makapag-park dahil sa may nakaharang na kotse. Well, hindi lang sya basta bastang kotse. Halatang mamahalin at latest ang model. Binusinahan ko siya ng paulit ulit. So what kung mayaman to? Nakaharang siya sa dadaanan ko at natatae na ko kaya wala akong pake!
Na-imbyerna yata siya sa pambubusina ko dahil binusinahan niya rin ako ng napakalakas saka lumayo sa dadaanan ko at umatras. Bago ako makababa at ma-gyera ang kung sino man siyang walang utak, bumukas ang kanyang pinto at lumabas ang dalawang tao. Naghahalikan sila hanggang sa pagpasok ng building. Natanga na lang ako sa nakikita ko hanggang sa mawala sila sa paningin ko. Hindi naman sa hindi ako sanay makakita na ganitong senaryo dahil sa ibang bansa mas malala pa dito ang nasisilayan ko. Nagulat lang siguro ako sa dalawang ito. Nagmadali kong kinuha ang mga pinamili ko at bumaba ng kotse. Walang masyadong tao dahil isang private condominium ito.
Bago pa ako makatakbo papuntang elevator, sumara na ito lulan 'yong dalawang naghahalikan. Bwisit! Magbuhol sana mga nguso niyo!
Ang nakakairita pa ay same floor lang pala kami, iniwan pa ko! Asar talaga! Nakasimangot akong sumakay nang makabalik ito. Pero laking gulat ko nang nasa loob nito 'yong babae kanina. Magulo ang buhok nya at nakasimangot siya. Oh anyare?
Padabog siyang lumabas. Nagkibit balikat na lang ako sa sarili ko at pinindot ang 10th floor. Habang paakyat ito, napansin ng mga mata ko ang isang pamilyar na lumang susi na may key chain na corn. Parang gustong lumabas ng puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito. Pa'nong napunta ito dito? Imposible namang kamukha lang.
Sa tagal ko yatang nag-iisip ay hindi ko na namalayan ang pagbukas ng elevator. Inilipat ko sa kaliwang kamay mga pinamili ko at saka pinulot 'yong susi. Isang pares ng sapatos panlalaki ang nakita ko sa harap ko bago tumayo. Dahan dahan ko itong dinungaw.
Imbes na mabitawan ko ang mga pinamili ko, humigpit lalo ang hawak ko sa plastic bag nang mapagtanto ko kung sino itong kaharap ko. We stared at each other for a minute before we came back to our senses. Iyong mga mata niyang may mahahabang pilikmata, ilong na wala man lang sablay. Oh my God! Of all places bakit dito?? Umasa ako na isang galit na hitsura ang makikita ko sa kanya. Umasa akong makakarinig ng mga sumbat niya, pero wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya. Lumapit sya sa 'kin at kinuha sa mga kamay ko ang susi na aking pinulot.
Ang susi ng dating bahay na tinuluyan ko. Bakit nasa kanya 'yon?
Tila may kuryenteng dumaloy sa mga ugat ko nang panandaliang dumampi ang kanyang balat sa balat ko. It's been a long time simula nung nagkadikit kami. Iyon pa yung hinawakan niya 'ko sa braso nang mga panahong gusto niyang mag-usap kami. s**t, Cindy! Hindi ito ang time para mag-reminisce! Pagkadampot niya nung susi mula sa kamay ko, nakita kong nanatili pa siya sa pwesto niya. Umayos ako ng tayo at sinalubong ang kanyang mga matang wala man lang bahid ng pagkagulat.
"K-Kamusta?" my gosh. Nauutal pa 'ko!
Nagsalubong at tila nagkaroon ng tensyon ang kanyang mga kilay subalit agad ding bumalik sa normal. He looked at me na para bang isang nakasalubong na kakilala lamang ako sa kanya.
"Better than good,' aniya sa isang matigas na tono. "It's not so good to see you." dagdag pa niya bago tumalikod at lumabas ng elevator. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinambit niya. Bumagsak na lang ang mga mata ko sa sahig. Ano nga ba naman ang magagawa ko kung talagang hindi siya nasiyahan sa presensya ko? Naiiling na lang akong naglakad patungo sa unit ko.
Hindi ko alam kung saan pa ako nakahugot ng lakas para buksan ang pinto. Pagpasok ko ay agad akong napasandal sa likod nito at napaupo. Ngayon ko yata naramdaman ang panghihina ng aking mga tuhod sa hindi inaasang pangyayaring 'yon. That was too sudden!
Hindi ako nakatulog magdamag dahil sa pag-iisip sa nangyari. Iyong eksenang nakita ko sa parking. Sa elevator. Damn. It was really him. No other than the womanizer since birth, Jasper Perez. Mukhang wala namang masyadong nagbago sa kanya simula nang makilala ko siya. Babae pa rin ang kanyang libangan. Maliban sa tumangkad siya, nag-matured ang kanyang mukha in a very attractive way, at mas lalong na-depina ang ganda ng hubog ng kanyang katawan. Marahil palagi siya sa gym kaya naging gano'n siya. Hindi nakapagtataka kung bakit nahuhumaling sa kanyang ang mga babae kahit wala siyang gawing effort.
Napaisip ako kung sa loob ba ng halos mahigit apat na taon, hindi man lang ba siya nagseryoso? I mean, we were so young back then at ngayon ay nasa hustong edad na talaga kami. Siguro naman nag-matured na ang utak niya kahit papaano. But then at the back of my head, a voice kept on screaming why do I care? I shall not care.
Kahit madilim pa sa labas ay tumayo na ako at nag-shower. I need to get rid of these unnecessary thoughts of mine. After kong maligo ay dumiretso ako sa kusina at chineck ang rice cooker kong puno ng rice. Jusko sa sobrang lutang ko yata kagabi ay nakapagsaing ako ng sobra sobra. Since maaga pa naman dahil 5AM palang jusmiyo, sinangag ko ang kanin. Sayang kung masisira lang ito. Maraming bata ngayon ang nagugutom.
Kinain ko halos ang kalahati kahit maduwal duwal na ako sa kabusugan. Iyong natira ko ay inilagay ko sa isang maliit na container at saka nilagay sa paper bag. Pwede ko pa 'tong kainin sa opisina mamayang lunch.
Pagdating ko sa restaurant, ng-ri-ready pa lang ang mga staff para sa 8AM na opening. Binati nila ako nang dumaan ako sa kanilang harapan. Sinuklian ko lamang sila ng ngiti.
Alas nuebe nang may kumatok sa aking opisina.
"Pasok," wika ko.
"Ma'am Cindy, naka-sched na po 'yong meeting na pina-set niyo sa owner nung supplier natin. Dinner po sa isa sa mga restaurant nila sa Crown Hotel.
Tinanguan ko siya bago pinalabas. Bumuntong hininga ako sa frustration. Bakit naman kasi ngayon pa na wala ako sa mood kumausap ng tao. Baka kung ano pa lumabas sa bibig ko kapag nagkataon na hindi naging maayos ang pag-uusap namin. Huwag naman sana.
Nang mag alas-sais na, nag-ayos na ako ng sarili ko at nag-ready ng pumunta ng Crown Hotel. Malapit lang 'yon mula dito. Kung hindi traffic ay 20 mins lang ang byahe.
Pagdating ko sa hotel ay hinanap ko ang restaurant na pagkikitaan namin. Sa dami ng mga narito ay muntik na akong maligaw. Salamat kay google map at nakarating ako on time.
Papalapit pa lamang ako sa itninurong reserved table ng isang staff dito ay batid ko na ang matikas na pigura ng isang lalaking nakatalikod sa aking direksyon. Huminto ako sandali para huminga ng malalim. Wala siyang kasamang secretary tulad nang inakala ko na makakaharap ko ngayon.
I cleared my throat when I got near the table. "Good evening," bati ko habang papunta sa nag-iisang bakanteng upuan sa kanyang harapan. Parang humiwalay palayo sa akin ang kaluluwa ko pagkakita sa taong kaharap ko. Seriously?!
"It's not so good to see you again, Ms. Wagas." aniya nang may malaking ngisi sa mukha. Fudge!
"S-Sorry h-hindi ko alam na ikaw pala ang may-ari..." kaagad niyang pinutol ang aking sasabihin. Bastos talaga forever!
"Di mo kailangan mag-sorry. Let's get to the point. Ano ba ang gusto mo?" batid ko ang pagkainip sa tono ng kanyang tanong. Lalong dumoble ang pintig ng puso ko. Mariin kong hinigpitan ang hawak sa laylayan ng aking damit sa ilalim ng lamesa at huminga ng malalim. Trabaho ang pinunta ko dito. Hindi kung ano pa man.
"I want you to continue supply your product to Green Pepper. I don't see any valid reason why you suddenly wanted to cut your connection with us." diretsa kong wika nang walang ano pang sinasabi. Wala namang dahilan para magpaliguy-ligoy ako.
"Isn't it your existence already a reason why I should stop?" nakangisi ulit niyang sagot. Kinilabutan ako at nabato sa kanyang sinabi. Unti unti yata akong nauubusan ng hangin sa katawan. Subalit sa kabila ng kaba ko, tila nanaig ang inis sa ulo ko.
"Kailangan mo pa bang idamay ang business sa personal mong galit sa 'kin?" matabang kong tanong at matalim siyang tinitigan.
"Make me continue, then. Magmakaawa ka sa 'kin, Cinderella."
***